Marian Rivera on guesting at the MTV of the new boy band Down to Mars: "Wala, for free, for the love. Oo naman, at saka hindi naman lahat ng bagay kailangan may bayad, e. Sa mga kapwa mo, na nakakasalamuha mo at may ginagawang kabutihan sa iyo, dapat balikan mo sila ng kabutihan din na walang kapalit talaga."

 

Marian Rivera (center) and beside her is Geleen Eugenio (left), Treb Montreras (right) who directed the MTV, with the members of Down to Mars.

Photo: Glen Sibonga

Isang seksing-seksing Marian Rivera na naka-black see-through na damit ang napanood ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na humahataw sa pagsayaw sa music video shoot ng sing-and-dance boy group na Down to Mars para sa kanilang carrier single na "You Are My Everything" sa self-titled debut album nila distributed by PolyEast Records.

Special guest kasi ang Kapuso primetime queen sa naturang music video na kinunan sa Revolver Studios sa Makati City kahapon, Abril 17.

Kaya nang makausap ng PEP at iba pang press si Marian pagkatapos ng shoot, agad naming itinanong kung paano siya napapayag na maging guest sa music video ng Down To Mars.

"Well, napakadaling sagot dahil kay Tita Geleen [Eugenio, dance director ng video].

"Si Tita Geleen ay napakalaki ng impluwensiya sa buhay ko sa pagsayaw.

"Nang dahil sa kanya, bumuo siya ng isang kanta para sa akin which is yung 'Sabay-sabay Tayo.'

"Siya ang dahilan ng lahat ng ito.

"So, napakaliit na bagay lang nito para hindi ko maibigay sa kanya at sa mga alaga niya," sabi ni Marian.

Hindi raw nagpabayad si Marian para sa nasabing music video.

"Wala, for free, for the love.

"Oo naman, at saka hindi naman lahat ng bagay kailangan may bayad, e.

"Sa mga kapwa mo, na nakakasalamuha mo at may ginagawang kabutihan sa iyo, dapat balikan mo sila ng kabutihan din na walang kapalit talaga."

ADMIRING THE GROUP. Ano naman ang masasabi ni Marian sa baguhang grupong Down to Mars, na mina-manage ng GMA Artist Center?

"Actually, to be honest, nalito ako sa kanila kung sino ang Down to Mars at XLR8, sorry.

"Pero sabi ko nga, habang nagre-rehearse sila kanina, sumisilip ako, tinitingnan ko sila.