Marian Rivera on guesting at the MTV of the new boy band Down to Mars: "Wala, for free, for the love. Oo naman, at saka hindi naman lahat ng bagay kailangan may bayad, e. Sa mga kapwa mo, na nakakasalamuha mo at may ginagawang kabutihan sa iyo, dapat balikan mo sila ng kabutihan din na walang kapalit talaga."

 

Marian Rivera (center) and beside her is Geleen Eugenio (left), Treb Montreras (right) who directed the MTV, with the members of Down to Mars.

Photo: Glen Sibonga

"Masarap ding gawin ang MTV na ito lalo na din ang direktor nito ay isa sa mga direktor na pinakamamahal ko rin.

"Sa 'Sabay-sabay Tayo,' siya rin ang direktor ko, so alam ko na kung anong istilo, anong anggulo na gagawin niya sa akin.

"At least tiwala ako na parang 'Ano, Yan [Marian's nickname], you want to check your shot?'

"'Hindi na, alam mo na iyan,' sabi kong ganun. Dahil bilib din ako sa direktor namin."

WORKING WITH MARIAN. Nakausap din ng PEP ang Down to Mars. Ayon sa kanila, thankful sila kay Marian na pumayag itong maging special guest sa music video nila.

Isa raw kasi si Marian sa hinahangaan nilang artista kaya malaking bagay ang ginawa nitong pagsuporta sa kanila.

Ang Down to Mars ay binubuo nina Yheen, Daisuke, Jeongwon, Kenji, Kiro, Jang, at Sky.

Sa sobrang excitement nga raw nilang makasama si Marian ay hindi raw sila nakatulog.

Sabi ni Jeongwon, "Personally po, na-hype ako kanina nung pagdating niya. Lahat po kami sobrang excited, hindi kami nakatulog kagabi.

"Pero noong nakita namin siya, na-energize po kami. Masaya po kaming lahat."

Ano naman ang nagustuhan nila kay Marian?

Salit-salitang sabi nila:

"Yung attitude niya po na parang nakakadala siya ng tao na ina-uplift niya kaming lahat.

"Super-ganda ng personality ni Ate Marian. At saka hindi po siya mareklamo kahit paulit-ulit yung shots.

"Lagi lang siyang nakangiti. 'Tapos nagbibigay pa siya ng suggestions at inputs niya kaya nakakahanga.