news

Ara Mina files libel charge against sister Cristine Reyes

by Mark Angelo Ching posted on April 18, 2012  STATS: 259971 Views | 223 Comments

Ara Mina (right) on her decision to file libel case against sister Cristine Reyes (left): “Mahirap sa ’kin ‘tong gagawin ko dahil sikat siya ngayon, ayoko siyang masira. Pero masyado niya nang hinahamak yung pagkatao ko, niyuyurakan na niya. Gusto kong ipaalam sa kanya na walang ibang tutulong sa kanya kundi kapatid niya, ta’s ginaganito niya.”

Photo By: Noel Orsal / Mike Caliwara

Sinampahan ng aktres na si Ara Mina ng mga kasong libel at grave coercion ang half-sister niyang si Cristine Reyes.

Sa Quezon City fiscal’s office isinampa ni Ara ang mga kasong ito kaninang hapon, April 18.

Ayon sa panayam kay Ara, na emosyunal na humarap sa press,  isinampa niya ang mga kasong ito dahil patuloy raw siyang sinisiraan ng kapatid niya sa mga kamag-anak at kakilala nila.

MONEY ISSUE. Ayon sa report ng ABS-CBN News, ang nasabing kaso ay bunsod ng alitan ng magkapatid ukol sa pagbabayad sa bahay ng kanilang ina na pinagtulungan nilang bilhin.

Galit na galit daw ang Kapamilya actress sa kanyang ate dahil may utang raw ito sa kanya.

Isa sa mga text ni Cristine na ipinakita sa press ay naglalaman nito: “Kung ayaw niyo manggulo ako sa buhay niyo, bayaran utang niyo sa akin. Kung wala kayo pangbayad, ibigay niyo hinhingi ko.”

Hindi umano magkasundo ang magkapatid sa halaga ng hatian sa bayad sa bahay.

Paliwanag ni Ara, “Sinasabi niya bayaran ko siya. Hindi ko siya kailangan bayaran kasi ako naghulog ng [bahay] ng mommy ko.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, kasi nasa pangalan niya yung deed of sale.

"Siya yung nag-down ng P1 million, ako yung naghulog ng P2.3 million.

“Kumbaga, siya yung may lumalabas sa akin ng balance, pero wala na yun, e.

"Ang sinasabi niya, sinisiraan ko siya dahil may balance siya sa 'kin na P500,000, [pero] pera lang ‘yan.”

Ang hinihingi diumano ni Cristine na kabayaran ay ang sasakyan o SUV ni Ara.

TEXT MESSAGES. Kuwento pa ni Ara, bago mag-Holy Week nagsimula ang kanilang alitan ni Cristine.

“Nag-start lang nung sinabi ko na, 'Mag-usap tayo kasi marami akong naririnig na sinasabi mo.'

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

223 Comments

  • 43  butching

    04/18/2012 | 10:22 PM
    pare-pareho lang sila. mukhang di kagandahan ang pagpapalaki o nakagisnan. oh well... pera-pera lang lahat yan. madali lang naman yan e, kung sino ang magpakita ng pruweba o kasulatan sa kung sino ang may utang kanino, e di tapos ang usapan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  PTnextdoor

    04/18/2012 | 10:18 PM
    Hindi nagttweet si xtine kse ayaw nya magkaroon p ulit ng ebidensya sa kaso nya..nkkalungkot isipin NA nag a away sila dhil sa pera, spoiled brat tlga tong si xtine, pagnalaos ka pamilya ko din ang lalapitan mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  hototguy

    04/18/2012 | 10:13 PM
    ate nga naman nya si ara, mahirap i-tolerate ang ugali ni xtine. sa mga kampi kay xtine im sure pati mga ate nyo o kuya man o baka magulang nyo ay ganun ang txt nyo pag galit kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  pearl102

    04/18/2012 | 10:13 PM
    36 chikorita_pikachu 04/18/2012 | 10:01 PM c cristine magaspang na talaga ang ugali... kahit sa twitter kahit mag mukha xang palaban ang gaspang pa din ng dating... ------------Bakit itong Cristine na ito super gaspang ng UGALI, certified maldita at marami na rin itong nakaaway pati kapatid nya nilalampaso pero maraming projects sa DOS?? At hindi lang iyan, bakit hindi siya nilalampaso ng mga PANTARDS ng DOS?? Akala ko ba galit sila sa mga MALDITA??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  pearl102

    04/18/2012 | 10:12 PM
    36 chikorita_pikachu 04/18/2012 | 10:01 PM c cristine magaspang na talaga ang ugali... kahit sa twitter kahit mag mukha xang palaban ang gaspang pa din ng dating... ------------Bakit itong Cristine na ito super gaspang ng UGALI, certified maldita at marami na rin itong nakaaway pati kapatid nya nilalampaso pero maraming projects sa DOS?? At hindi lang iyan, bakit hindi siya nilalampaso ng mga PANTARDS ng DOS??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  pabima

    04/18/2012 | 10:04 PM
    hoy number 34 bat mo kay Ara ipapasa na sawayin si Xtine ha?nasa edad na si xtine.yan ang hirap sa mga taong kagaya mo. Pag may away kapatid,kesyo ikaw matanda ikaw pakumbaba,ikaw magpasensiya,hayaan mo nalang. cant you see?yung mga text ni xtine kay ara,parang hindi niya Ate si Ara. Lalo na nung kinumpara niya si Ara sa aso. At para din naman sa nanay nila yung property na binili kung tutuusin. Hindi pa nakuha sa maayos na pakiusap si Xtine bagkus patuloy niya pa sinisiraan Ate niya,ng dahil lang sa pera. Eto talaga ang sukatan ng tunay na pagkatao ni Xtine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  endot

    04/18/2012 | 10:02 PM
    gusto lang sumikat ni ara at laos na talaga sya! ang sakit tanggapin na mismong kapatid pa nya ang nagsasabing pinagsawaan na si ara ng marami. grabe na teh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  chikorita_pikachu

    04/18/2012 | 10:01 PM
    c cristine magaspang na talaga ang ugali... kahit sa twitter kahit mag mukha xang palaban ang gaspang pa din ng dating...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  Monicafer

    04/18/2012 | 09:45 PM
    May presyo ba ang ibinibigay sa ina? Di ba noong Ondoy calamity ang magiina ni Cristine kay Ara tumira? Pasalamat si Christine dahil kahit half sister lang nila si Ara itinuturing silang tunay na kapatid. Pwede namang hindi na sila tustusan ni Ara tutal kumikita naman si Cristine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  bac_tol

    04/18/2012 | 09:41 PM
    Nyek! Ano ka ba naman Ara, mas nakakatanda ka, hindi mo ba kayang sawayin yang kapatid mo at kinakailangan mo pang idemanda para maturuan lang ng leksyon? Anong ginagawa ng nanay nyo? Bakit hindi kyo mapagbati in private? Kung ganyan eh pareho lang kyong magkapatid na pasaway. Kung ako nanay nyo, sigurado nasabunutan na kayong mag-ate.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  mymymy

    04/18/2012 | 09:38 PM
    boycot ang teleserye at pelikula ni christine! ganyan talaga dapat ginagawa sa mga lumalaki ang ulo. let fans control the destiny of stars to keep them grounded.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  slickchick02

    04/18/2012 | 09:35 PM
    wow, pagdating sa pera, walang family kay ara. she's older and more mature so dapat sya umintindi. you don't sue your own sister, kahit half pa yan. as far as cristine's texts, personal message nya yon kay ara, its really not ppl's business. pero truth hurts talaga. halata namang gusto nyang siraan si cristine. ara's just envious of cristine's fame
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  June_Sunday

    04/18/2012 | 09:29 PM
    Si Cristine mukhang hindi pa masyadong mature kaya padalos-dalos kapag galit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  tatoyadik

    04/18/2012 | 09:22 PM
    mabait tlga si ara unlike itong c cristine...di mgnda ang ugali...pansin ko lang halos lahat ng cristine ang name masasama ang ugali...pati mga kakilala kong cristine ilan na un dami nila halos my attitude problem...LOL...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  coolako

    04/18/2012 | 09:20 PM
    Kapatid pa bang maituturing yang si Cristine? Kahit half-sisters lang sila, wala siyang karapatan magsalita ng ganun. At kung maningil siya ng pera, para namang tatakbuhan siya ng mga kamag-anak nya. Ayaw na nyang makipag-usap, maninira pa sya ng pagkatao. Sana maisip nya na wala siya sa kinatutuntungan nya ngayon kung hindi dahil sa ate nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  June_Sunday

    04/18/2012 | 09:05 PM
    Priority ngayon ni Ara ang politics at makahanap ng good husband. Ang politics ay malaking pera parati ang kailangan. Sana ay hindi ito naapektuhan ng mga nangyayari pero mukhang tagilid na ngayon. Wala nang natira sa kanya dahil nawala na ang tiwala ng publiko sa kanya. Sayang mukhang malaking kawalan ito. Cristine ang nawala sa iyo ay pera lang ngunit kay Ara ay lahat na pati na ang pinakamamahal niyang kapatid. Wala siyang choice kung hindi magfile ng kaso para maprotektahan niya ang kanyang dignidad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  holabola

    04/18/2012 | 09:04 PM
    Ka-cheapan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  bessie31

    04/18/2012 | 08:56 PM
    Family issues should stay within the family. For those bloggers who are taking sides, you should realize that we do not know what is really happening and we do not have the right to know the truth because it is all beyond us, none of our business in other words. It's just sad that an elder sister would wash their dirty linen in public.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  kiwipinay

    04/18/2012 | 08:56 PM
    grabe talaga magsalita si cristine di na bibig tawag dun bunganga! masyadong madumi ang budhi ng antipatikang malditang cristine na to! kung ako ang itext ng ganun ng kapatid ko di ko dedemanda susugurin ko at kakalbuhin ko magkabugbugan na kaming dalawa!! mabait pa rin si ara kahit papano! cristine si ara nagpapakain sa inyo noon walang utang na loob!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  puckerlips143

    04/18/2012 | 08:49 PM
    ano ka ba naman ara kelangan pa ba yang isa publiko mygosh ikaw mismo sumisira sa kapatid mo dapat kayong magpamilya na lang ang mag ayos hayan tuloy malalaman ng public mga baho mo. Ikaw ang ate matuto ka namang umunawa sa nakakabunso sayo hindi yang media lagi ang takbuhan mo nakakaloka ka. Hindi s akinakampihan ko si cristine kasi eldest din ako yun ga bunso talaga minsan kulang pang unawa nila kaya nga bilang ate learn to talk to them heart to heart hindi media agad gosh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About