Ara Mina (right) on her decision to file libel case against sister Cristine Reyes (left): “Mahirap sa ’kin ‘tong gagawin ko dahil sikat siya ngayon, ayoko siyang masira. Pero masyado niya nang hinahamak yung pagkatao ko, niyuyurakan na niya. Gusto kong ipaalam sa kanya na walang ibang tutulong sa kanya kundi kapatid niya, ta’s ginaganito niya.”

Photo: Noel Orsal / Mike Caliwara

Sinampahan ng aktres na si Ara Mina ng mga kasong libel at grave coercion ang half-sister niyang si Cristine Reyes.

Sa Quezon City fiscal’s office isinampa ni Ara ang mga kasong ito kaninang hapon, April 18.

Ayon sa panayam kay Ara, na emosyunal na humarap sa press,  isinampa niya ang mga kasong ito dahil patuloy raw siyang sinisiraan ng kapatid niya sa mga kamag-anak at kakilala nila.

MONEY ISSUE. Ayon sa report ng ABS-CBN News, ang nasabing kaso ay bunsod ng alitan ng magkapatid ukol sa pagbabayad sa bahay ng kanilang ina na pinagtulungan nilang bilhin.

Galit na galit daw ang Kapamilya actress sa kanyang ate dahil may utang raw ito sa kanya.

Isa sa mga text ni Cristine na ipinakita sa press ay naglalaman nito: “Kung ayaw niyo manggulo ako sa buhay niyo, bayaran utang niyo sa akin. Kung wala kayo pangbayad, ibigay niyo hinhingi ko.”

Hindi umano magkasundo ang magkapatid sa halaga ng hatian sa bayad sa bahay.

Paliwanag ni Ara, “Sinasabi niya bayaran ko siya. Hindi ko siya kailangan bayaran kasi ako naghulog ng [bahay] ng mommy ko.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, kasi nasa pangalan niya yung deed of sale.

"Siya yung nag-down ng P1 million, ako yung naghulog ng P2.3 million.

“Kumbaga, siya yung may lumalabas sa akin ng balance, pero wala na yun, e.

"Ang sinasabi niya, sinisiraan ko siya dahil may balance siya sa 'kin na P500,000, [pero] pera lang ‘yan.”

Ang hinihingi diumano ni Cristine na kabayaran ay ang sasakyan o SUV ni Ara.

TEXT MESSAGES. Kuwento pa ni Ara, bago mag-Holy Week nagsimula ang kanilang alitan ni Cristine.

“Nag-start lang nung sinabi ko na, 'Mag-usap tayo kasi marami akong naririnig na sinasabi mo.'