[x]

Amalia Fuentes says her feud with Annabelle Rama has been going on for several years now. “Why? Have you seen me attend any of her parties? No!"

Photo: Monching Jaramillo

Ano ang ugat ng hidwaan nina Amalia Fuentes at Annabelle Rama?

Sa mga naunang pahayag ni Annabelle, hindi raw nito alam kung bakit galit sa kanya ang dati niyang amiga.

Ayon sa talent manager, “Wala akong sinasabi laban sa kanya, kasi hindi naman kami magkaaway, e.

“Anong ginawa ko sa kanya, bakit niya ako inaaway?


“Ano, nainggit siya dahil ako ang pinakasalan ni Eduardo [Eddie Gutierrez]? Ako ang nanalo?

“Kasalanan ko ba kung maganda ang buhay ko?"

(CLICK HERE for related article.)

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Amalia noong Abril 11 sa pamamagitan ng telepono.

Noong una, sinabi niyang ayaw niya ng anumang tanong patungkol kay Annabelle.

Aniya, “I just want her to keep on talking, ‘yong mga Twitter niya, ‘yong mga kung anu-ano niya, that is fine with me because I have taken it all these years.”

Pero di nagtagal, isinambulat nito ang kanyang bersiyon ng istorya.


NOT THE OTHER WOMAN. Una, wala raw kinalaman ang away nila sa nakaraan ng kanyang asawang si Joey Stevens, na pumanaw nito lamang Abril 1.

“Ang dami niyang mga palusot,” ang sabi ni Amalia sa naging pahayag ni Annabelle.

Ang kontrobersiyang ito na pinagdaanan ng mag-asawang Amalia at Joey ay humantong pa sa puntong idinemanda nila ang isa’t isa.

Gayunman, nauna nang sinabi ng movie queen noong 1950s na sa simula’t sapul ay itinanggi ni Joey ang kaugnayan nito sa sinasabing anak niya.

(CLICK HERE for related article.)

May mga rason daw sa likod ng "galit" ng yumaong asawa ni Amalia kay Annabelle.