Kim Chiu is still being hounded by talks about the real "intentions" of rumored suitor Xian Lim aggravated by the alleged negative emails from the fans group Kimerald. Kim just brushes this off, stressing that these incidents are part of being a celebrity. Kim says: “‘Di naman lahat ng tao mapi-please ng artista, may taong magugustuhan ka, mayroong hindi ka magugustuhan. Part na rin yun ng pagiging artista, just accept everything and go on."

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos nina Bea Alonzo at Sarah Geronimo, balitang si Xian Lim naman ngayon ang nakakatanggap ng hate e-mails mula sa Kimerald, ang grupo ng mga tagahanga ng Kim Chiu-Gerard Anderson loveteam.

Si Xian kasi ngayon ang itinatambal kay Kim na hindi naman pinapaboran ng mga masugid na tagahanga ng loveteam nina Kim at Gerald.

Pinaparatangang nanggagamit lamang at hindi dapat pagkatiwalaan si Xian sa espesyal na pinapakita nito kay Kim.

Pinasasakay lang daw ng young actor ang kanilang idolo para sa pansarili nitong interes at career.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim sa nakaraang birthday/charity work nito sa mga bata ng Brgy. Loyola Heights, Katipunan, noong April 16, nagbigay siya ng saloobin tungkol sa mga negatibong komento tungkol sa tambalan nila ni Xian.

Ayon sa Kapamilya star, “Natural naman sa showbiz ang makatanggap ka ng mga negative feedbacks.

“Hindi naman lahat ng tao mapi-please ng artista. May taong magugustuhan ka, mayroong hindi ka magugustuhan. 

“Part na rin yun ng pagiging artista—just accept everything and go on.

   

“Nasa kanila naman yun, free naman nilang sabihin kahit na anong gusto nilang sabihin. 

“Nasa amin naman yun kung gusto naming basahin, kung gusto naming dibdibin. 

“Artista kami, napapanod nila kami, puwede silang mag-comment ng kahit na anong gusto nilang i-comment.”

RELATIONSHIP WITH XIAN. Pero ano na ba ang estado nila ni Xian ngayon?

   

“Okay naman kami, nagko-communicate kami, nagtatawagan, text, minsan lumalabas…

“We’re friends... we’re true friends," sagot ni Kim.

Magkasama sina Kim at Xian sa Hawaii nung nakaraaang Star Magic Tour at ikinuwento ng young actress sa PEP ang nangyaring bonding nila doon.

“Nung nag-Hawaii kami, namasyal kami ng kaunti. 

“Madaming Kimxi [Kim-Xian] fans ang nagbigay ng regalo, so nakakatuwa.