Young actress Ynna Asistio posted on her Twitter acount an incident that happened on March 27, 2017, involving this armored vehicle (inset) from PSBank. She says, "This armored car with body numer 651 and plate no XGS 154 ginitgit kami sa edsa at tinutukan ng baril after nya kmi tutukan binilisan nya andar niya. Pinilit namin habulin para isumbong pero d n namin nahabol i got so scared and im still in shock right now."

Photo: Noel Orsal

Itinanggi ng PSBank management na may kinalaman ang kanilang mga tauhan sa reklamo ng young actress na si Ynna Asistio at ng tita nitong si Tanya Montenegro sa isang insidente na nangyari noong March 27, 2012.

Sa kanyang tweet, na agad na ipinadala sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at GMA News TV, ikinuwento ni Ynna na ginitgit daw siya ng isang armored car—na may body number 651 at plate number XGS 154—ang sasakyan nila ni Tanya habang binabaybay nila ang kahabaan ng Edsa.

Kinunan ni Ynna ng litrato ang armored van bilang ebidensiya at ipinost din niya ito sa Twitter.

Ito ang magkakasunod na tweets ni Ynna, published as is:

“This armored car with body numer 651 and plate no XGS 154 ginitgit kami sa edsa at tinutukan ng baril after nya kmi tutukan binilisan nya andar niya. Pinilit namin habulin para isumbong pero d n namin nahabol i got so scared and im still in shock right now.

"I was sitted at the passenger seat with a baby when I saw the car tinutok nya ung baril at humarurot. I had to hug my inaanak's head because i got scared still cold right now."

   

Nangako naman si PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) Chief Supt. Tomas Rentoy III na iimbestigahan nila ang insidente at aalamin ang security agency na operator ng armored van.

Pinayuhan din niya sina Ynna at Tanya na magsampa ng pormal na reklamo.

Lumabas sa imbestigasyon na mga security guard ng armored van ng PSBank ang sangkot sa panggigitgit at panunutok daw ng baril kina Ynna.

Pero pinabulaanan ng pamunuan ng PSBank ang alegasyong ito ni Ynna sa pamamagitan ng kanilang media relations officer na si Laila Ine Opina.

Narito ang official statement ng PSBank:

“Philippine Savings Bank (PSBank) has finished its investigation on the alleged incident involving Ynna Asistio and found the armored van driver and security guards did not commit any violation against any motorist on March 27, 2012.

“Based on the Bank's evaluation of the testimonies of the Night Hawk Detective and Security Agency armored van driver and security guards, no such incident happened.

“Footages of Metro Manila Development Authority CCTV cameras in the area where the alleged incident happened also corroborated the testimonies of the armored van personnel.”

YNNA REACTS. Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya si Ynna sa pahayag ng PSBank na walang nangyaring panunutok ng baril at panggigitgit sa kanila.

Nakausap ng PEP contributor na si Gorgy Rula si Ynna ngayong gabi, April 19, at tinanong siya kung ano ang reaksiyon niya sa pahayag ng PSBank.