Nagpatawag ng biglaang press conference si Nadia Montenegro ngayong gabi, Abril 19, sa TJ Resto sa Quezon City.
Ito ay kaugnay ng resolusyong inilabas ng Quezon City Prosecutor’s Office nitong Lunes, Abril 16.
Ayon sa resolusyon ng QC Prosecutor’s Office, dismissed ang isinampa niyang reklamo ng child abuse laban sa talent manager na si Annabelle Rama.
Tuloy naman ang mga kasong libel, oral defamation, at unjust vexation na isinampa ni Nadia laban kay Annabelle.
(CLICK HERE to read related story.)
Kasama ni Nadia na humarap sa mga ipinatawag na miyembro ng media ang kanyang mga anak na sina Alynna at Anykka Asistio, at mga abugadong sina Atty. Maggie Glenn Abraham at Atty. Dexter B. Lacuanan.
Sina Alyanna o Ynna, 17, at Anykka, 15, ay parehong nakakontrata bilang talents ni Annabelle.
Kasalukuyang may nakasampang kaso ng libelo sa halagang P20 milyon si Annabelle laban kay Ynna.
(CLICK HERE to read related story.)
NADIA'S LAWYERS. Unang pagkakataon pa lang na humarap ni Atty. Lacuanan bilang abugado ni Nadia, habang si Atty. Abraham naman ang abugadong kasama na ni Nadia mula nang magsampa sila ng mga reklamo laban kay Annabelle.
Sa simula ng presscon ay nagsalita muna si Atty. Lacuanan kung bakit sila nagpatawag ng presscon.
Aniya, “I’m sure marami sa inyo ang matagal na ring nag-aantay sa mga sasasabihin ni Ms. Nadia, and for the record, I’d like to state, that as her counsel, I was the one who initially advised her to not say anything. For the simple reason na ang kalaban niya, mahilig magsabi ng napakaraming bagay.
“And I explained to her from day one of her case, that this is not about her, it’s about her kids, so hindi ito parang magpapalengke sila, magsisigawan sila.
“This is a mother who has to stand up to the occasion and defend her kids.
“So, from day one, I’m happy that [Atty.] Maggie has not said anything.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
69 fanatix
68 milomilo123
67 Americangirl
66 fecatada
65 perlita66
64 rhapsody123
63 PinkLady_11
62 PinkLady_11
61 PinkLady_11
60 PinkLady_11
59 PinkLady_11
58 antivirus2
57 antivirus2
56 lefty
55 Daina66
54 krizza2010
53 AstroNut
52 fecatada
51 fecatada
50 lawrenzo
more comments