news

Part 2. Nadia Montenegro and her lawyers want QC Prosecutor's Office to "reassess" decision on child abuse case against Annabelle Rama

by Rommel R. Llanes posted on April 20, 2012  STATS: 11698 Views | 16 Comments

“The Resolution did not tackle all the allegations of child exploitation. Only some were discussed in the Resolution, and we wanted to invite the attention of the investigating prosecutor na dalawing uli at ire-assess nilang uli," says Nadia Montenegro's lawyer Atty. Dexter Lacuanan (left).

Nadia's other lawyer Atty. Maggie Abraham (right) also points out that some facts about their child abuse case were misappreciated and not considered by the Quezon City Prosecutor's Office. “Like for example, the most important facts there is [are] the rumors that were spread against the children of Nadia. That one of the children was raped and another child suffered from STD," Atty. Abraham says.

Photo By: Melo Balingit

Dahil sa hindi makumbinsi ang mga nilapitan nilang tao para maging witnesses sa kaso nilang child abuse laban kay Annabelle Rama, inamin ng abugado ni Nadia Montenegro na si Atty. Dexter B. Lacuanan na inaasahan na niyang madi-dismiss nga ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kaso nilang ito laban sa talent manager.

Pero bawi rin agad ni Atty. Lacuanan sa mga kaharap na miyembro ng media na dumating sa ipinatawag na presscon ni Nadia kahapon, Abril 19, sa TJ Resto, Quezon City, “I was just a little bit disappointed, kasi I thought that the statement of the kids themselves would’ve been sufficient to mete probable cause.

“That is why we are now appealing and filing our Motion for Reconsideration…”

Matatandaang nitong Lunes, Abril 16, lumabas ang balitang na-dismiss ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kaso ni Nadia ng child abuse laban kay Annabelle, habang pinagtibay naman sa resolusyon ang 14 na kaso ng libel at dalawang kaso ng unjust vexation and grave oral defamation laban sa talent manager

(CLICK HERE to read related story.)

RE-ASSESS. Kasamang humarap sa media ang kliyenteng si Nadia at mga anak nitong sina Ynna at Anykka Asistio, at kapwa abugado na si Atty. Maggie Abraham, sinabi pa ni Atty. Lacuanan na hindi lahat ng alegasyon nila sa kasong child exploitation laban kay Annabelle ay natingnang maigi ng Prosecutor’s Office.

Sabi ni Atty. Lacuanan, “The Resolution did not tackle all the allegations of child exploitation. Only some were discussed in the Resolution, and we wanted to invite the attention of the investigating prosecutor na dalawing uli at ire-assess nilang uli.”

Ayon naman kay Atty. Abraham, “There are some facts that have been misappreciated or not have been considered.

“Like for example, the most important facts there [are] the rumors that were spread against the children of Nadia. That one of the children was raped and another child suffered from STD.

“So I believe that the Office of the City Prosecutor must consider this matter as well for the resolution to be reconsidered and reversed.

“So, dun sa Motion for Reconsideration namin, may mga facts kami na mas lalo pa naming ipu-push para ipakita sa Office of the City Prosecutor that, indeed, the crime was committed."

Saad naman ni Nadia, “’Tsaka kailangan na maintindihan n'yo, yung parang pinagdiinan nila dun yung 40 hours of working time na nirereklamo ko sa mga anak ko. Kailangang malinaw yun, hindi ko nirereklamo yung 40 oras na…

“Ang dami pa dun na kailangang basahin kung bakit ko nireklamo yun.

“I mean, ang tagal-tagal ko na sa business na ‘to. Alam ko ang working hours. Hindi naman ako ganun kababaw na yun lang, irereklamo ko.

“Tingnan nila kung bakit. Dahil nag-suffer ang school ng mga anak ko, hindi natupad ang lahat ng pinag-usapan namin, marami siyang ipinagawa na hindi na dapat. Hindi lang yung 40 hours, e.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  katnisseverdeen12d

    04/24/2012 | 09:26 PM
    coolet_06 ASTIIIIIG :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  katnisseverdeen12d

    04/24/2012 | 09:24 PM
    it's nadia's words against annabelle's. si nadia madami nang tinraydor na kaibigan. si annabelle, most of the time if not always, vindicated sa mga allegations against her. so what do you expect nadia? poor you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  mrsenchong

    04/24/2012 | 01:14 PM
    pareho kami ni Nadya, may sore eyes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  milomilo123

    04/22/2012 | 11:36 AM
    si nadya nalang ang gawing national artist
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Ligayaparaiso2011

    04/22/2012 | 11:04 AM
    puckerlips143...Teh, isa ka rin palang manghuhula. Nahuhulaan mo kung ano ang magiging resulta ng mga kaso ni Nadia against Annabelle. Wow, you're simply amazing! Kanino ka nag-aral ng panghuhula, kay Madam Auring?.....bwahahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  SimonLaplace1

    04/21/2012 | 10:06 PM
    Annabel get yourself the best lawyer in Pinas at lampasuhin mo ang palamuning vBABOYyyyy na ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  SimonLaplace1

    04/21/2012 | 10:04 PM
    maraming kaaway nga si annabel. si nadia naman andaming pinagkautangan at niloloko. sino ngayon ang mas better sa kanila? kay annabel na ako at least masipag at hinde manggagantso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    04/21/2012 | 10:02 PM
    gogogogo nadia... hahaha... daming kaaway ni annabil...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    04/21/2012 | 01:04 PM
    this story of nadia montenegro reminds me of the movie i have wathced yesterday, entitles THE INFLICTED.... wherein the mother is inflicted with a personality and mental illness due to her past.... the mother is not working and just even beats and sells her daughters as sex slaves.... ending, they all died....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    04/20/2012 | 07:56 PM
    madidissmiss na naman yan nadia ang naghihirap lang sa pinaggagawa mo eh yun mga anak mo kasi sila nagtatrabaho pambayad sa atty yan namang mag atty mo alam naman pala nya madidissmiss bakit late na mga pasabog nyo. alam mo nadia kung bakit d ka inadvice agad ng abugado mo ng dapat gawin para lumakas ang kaso mo kasi habang tumatagal nagbabayad ka sa kanila poor nadia tsk tsk wala na siguro si nadia na totoong kaibigan nagsipaglayasan na kaya walang matinong makapag advice sa kanya. Sana wag na magdakdak si annabelle hayaan na lang kayo sa kaengengan nyo lol. goodluck dyan sa child abuse na ikinakaso mo kay bisaya baka pag nagkataon mabaliktad ikaw na ang makasuhan ng child abuse.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    04/20/2012 | 07:51 PM
    kaya pala naging piggy na kc dpala ito ng babanat ng buto..inasa sa mga anak..dna nahihiya laging my problima sa pera..mgmula kay popsy,greta my sampalan blues pa dhil dyata pina utang n greta ng halfM. noon tungkol s bahy nila nkasangla yata sa bnko..ngyon klng na klaro na mga politiko kpgwala na sa pwesto wala narin silang kuarta..kaya maramng mgpatayan maalo lamag, dahil marami pala tlgang ginto sa politika.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lawrenzo

    04/20/2012 | 06:50 PM
    Akala ko ba may batas na tungkol sa child exploitation at kinukunan pa ang special work permit ang mga bata sa DSWD ba iyon? Eh bakit si Annabel ang may problema? Maling mali na naman si Nadia dito sa tingin ko. Parang hilong talilong. Tama dn naman si Annabel, STARLET ang mga anak ni Nadia para magtrabaho ng sobra sobra sa oras. Di naman sila bida sa mga gingawa nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • semsem

    04/20/2012 | 05:58 PM
    anong nangyari sa mata?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • napazu7

    04/20/2012 | 05:42 PM
    Me kabobohan din itong si Nadia at ang abogado nya, panung si Abanel ang idenimanda nya sa working hours e ang TV5 ang employer ng mga anak nya. Dapat ang TV5 ang ireklamo nya at hindi si Anabel. As if naman si Anabel ang nagde-decide ng mga oras ng taping at shooting ng mga anak nya e manager lang si Anabel. If she has pure intention to get justice for this dapat kinausap nya si Anabel for them to file case against TV5 for child abuse instead. Heheheheh, makaganti lang kung anu-ano na ang idedemanda. Dapat sya nga itong idemanda dahil pinagtatrabaho nya ang mga menor de edad nyang mga anak imbes na sila ng asawa nya ang magtrabaho....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    04/20/2012 | 05:41 PM
    maganda si nadia sa picture na to kahit me diperensya yung isang mata nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • knightkrawlers0

    04/20/2012 | 05:33 PM
    kailangan mag work overtime mga anak nya pambayad ng hospital bills nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About