news

Julia Montes on intrigue that she is now more popular than Kathryn Bernardo: “Yun ang nakakalungkot… kasi wala namang ganung nangyayari.”

by Melba R. Llanera posted on April 20, 2012  STATS: 16767 Views | 13 Comments

Julia Montes appears as a mature Katerina in the toprating primetime soap Walang Hanggan. She says she did not expect viewers to accept her mature role in the teleserye: "Oo, pero, hindi ko ine-expect na pati si Katerina ay tatanggapin ng tao. Yun ang fear ko before—na hindi nila tanggapin yung role ko bilang young wife."

Photo By: Noel Orsal

Sabay na ni-launch sa teleseryeng Mara Clara sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

Dahil dito, agad na pinagkumpara kung sino sa kanilang dalawa ang mas sisikat pagkatapos ng kanilang pinagsamahang serye.

Unang nakagawa ng ingay si Julia bilang Katerina sa primetime serie na Walang Hanggan katambal ang matinee idol na si Coco Martin.

Patuloy na tinatangkilik ng mga manonood ang kanilang serye kaya naman marami ang nagsabing mukhang nangusuan na ni Julia si Kathryn.

Ngayong linggo naman ay nag-premiere na ang sariling primetime series na Princess And I, kunsaan gumaganap siya bilang prinsesa.

  

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia noong Miyerkules, April 18, sa taping ng Walang Hanggan, ipinagtanggol niya agad si Kathryn.

“Masaya ako for her," sambit ni Julia.

“Noong una kasi, nung ako yung nagka-show, marami akong naririnig at maraming nagsasabi na, ‘Bakit ganun, wala si Kathryn?’

“E, alam na rin kasi namin na ginagawa niya yung big project na yun and talagang ang ganda-ganda ng project na yun, kasi prinsesa nga siya.

“Isa yun sa pinakamagandang role na nagawa niya.

“Saka super ganda! Trailer pa lang, talagang kaabang-abang."

  

Patuloy niya, “Dun sa sinasabing napag-iwanan ko na siya, yun ang nakakalungkot… kasi wala namang ganung nangyayari.

“Lalo na ngayon, makikita nila na talaga kung bakit wala pang pinapalabas si Kathryn nung ginagawa ko itong Walang Hanggan.

“Yun ay dahil nga may big project siyang nakaabang talaga.”

  

STILL GOOD FRIENDS. Tiniyak naman ni Julia na kahit kailan ay hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Kathryn sa kabila ng pagkukumpara sa kanilang dalawa.

“Yun ang talagang proud kami kasi wala talagang nagbago… mas lalo pa kaming nagiging strong ngayon. 

Aniya, “Nakalabas kami before mag-Holy week, pero hindi na madalas, hindi na namin maibalik yung dalas kasi busy na kami pareho.

  

“Talagang hindi nawala yung friendship—yung tipong ‘pag may problema yung isa, one call away lang.”

   

WALANG HANGGAN. Labis naman ang pasasalamat ni Julia sa mainit na pagtanggap ng publiko sa mature role niya bilang  Katerina sa Walang Hanggan.

    

“Siyempre natutuwa at hindi ko naiisip na aabot sa ganung point.

“Ang tingin ko lang, maganda yung show.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  mrsenchong

    04/24/2012 | 11:19 AM
    she's future bea alonzo, they both started young, but i think Julia is better...;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  doslugi

    04/23/2012 | 12:05 PM
    wag ka mag alala inday pareho lang kayong hindi sikat diba yung way back home nyo talo pa ng mga indie film sa kita?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pinoycali_ako

    04/23/2012 | 07:58 AM
    I Like Julia, she's pretty and humble pa rin. Kim chiu is ok but nakakasawa na siya, iba naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  alexis2222

    04/22/2012 | 09:42 PM
    wag na magpanggap ang mga kapuso fantard na kesyo gusto din nila si julia... helloooowww... for sure inggit kayo sa ganda at talent ng mga ABS tweens like julia and kathryun... for sure nagpuputok ang mga butse nyo dahil tsugi na ang tween hearts na bakyang show na yan.. hahahahahaha, samantalang si julia at kathryn ay tunay na namamayagpag... hahahahahah... ouch sa mga kapuso.. as always.. olats na naman,,,, mwahahahahahahahahahah....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • starla10

    04/22/2012 | 01:18 PM
    Poor Kim Chui looks you are now being dumped by ABS CBN at sinapawan ka naman ngayon ng two young stars. Alam mo naman that ABS CBN kung sino ang nag-hit in one or two projets duong na lang silang concentrated. Compared to Katherine, that Julia really looks like matanda.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    maldito
    09/04/2012 | 06:12 AM
    sus akala mo sa gma walang nate tengga
  • superbeki

    04/21/2012 | 11:37 PM
    ang hindi ko lang maintindihan , julia anak.. kausapin mo sila carmina at KC... baka mabigyan ka ng tips sa mga pipiliing lalake.. okay iha?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • superbeki

    04/21/2012 | 11:34 PM
    infairness, gsto ko itong girl na ito. magaling umarte, kahit akoy kapuso , nakaka appreciate ako ng magagaling sa abs.. ndi tatagal mauuna itong magka award kay kathryn
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    04/21/2012 | 10:07 PM
    ang galing talaga ni julia.. kahit si kathryn din... maganda ang future nila sa showbiz.. may mga TALENT kasi... hindi gaya ng mga taga kapuso... puro pa cute lang ang alam... pagpapa cute na nga lang ang gagawin.. nakakabanas pa panoorin... very kamuning ang kacheapan... aahahahahahahahahh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • oskieness

    04/21/2012 | 08:29 PM
    magkano ba binyad sa mga reporter dito sa PEP para laging bgyan ng SPACE ang mga PILIT pinapasikat n mga FLOPSTAR NG WAY BACK HOME?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bratinella1234

    04/21/2012 | 11:54 AM
    One thing's certain. Pareho silang sikat na sikat ngayon, si kathryn and julia. Napagiwanan na ang mga kasabayang tweens na hanggang ngayon wala pang matinong project na nagagawa. Well, what do we expect from gma7 na puro tipid shows lang. Unlike sa ABS, pinaghahandaang mabuti ang bawat palabas just to give quality shows to viewers. Proof ay ang Walang Hanggan and Princess and I ni Kathryn and Julia.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MarieJuanaofMissosology

    04/21/2012 | 10:06 AM
    hindi ako nanood ng mga telebasura ng abs kaya di ko sila kilala lolsssssss
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gopinoy

    04/20/2012 | 06:51 PM
    like ko na talaga silang dalawa. julia is doing great as katerina but i always knew she could do it at nakita ko yun sa strength of character nya as clara. malalim n rin sya umarte. as for kathryn, i'm so excited for her princess and i ang ganda kaya at kaabang abang talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinkturtle

    04/20/2012 | 06:47 PM
    I hope your friendship will not be destroyed by intrigues and fame. I like you both. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About