news

Part 3. Nadia Montenegro talks about her heart ailment and losing Ruffa Gutierrez as a friend

by Rommel R. Llanes posted on April 20, 2012  STATS: 73389 Views | 28 Comments

Nadia Montenegro says before she decided to file charges against Annabelle Rama, she sought the help of her then friend Ruffa Gutierrez. “Siya ang unang-una kong sinabihan na, ‘Ruf, parang I want the kids na lang to go to school. Ruffa, I have problems with Tita Annabelle, can you help me? Ruffa, ganito-ganyan,’ nagsusumbong ako kay Ruffa. And I thought na, Raymond, Richard, Ruffa, would at least, you know, gumitna man lang... Wala, e. Siya [Ruffa] pa yung unang-unang nagmura sa ‘kin," says Nadia.

Photo By: Melo Balingit / Noel Orsal

Nitong nakaraang Linggo, April 15, naibalita sa PEP Alerts ang biglaang pagsugod kay Nadia Montenegro sa Philippine Heart Center.

Sabi ni Nadia sa presscon niya kahapon, Abril 19, sa TJ Resto sa Quezon City, congenital o ipinanganak na siyang may diperensiya sa puso.

“Talagang may diperensiya ako sa puso,” banggit ng dating aktres na nakatakdang humarap sa korte laban sa talent manager na si Annabelle Rama, matapos na i-affirm ng Quezon City Prosecutor’s Office ang 14 counts of libel at 2 counts of unjust vexation and grave oral defamation na isinampa niya laban sa talent manager.

Kasama ni Nadia sa presscon ang kanyang mga abugadong sina Atty. Dexter Lacuanan at Atty. Maggie Abraham, at mga anak na sina Ynna at Anykka Asistio.

Pagpapatuloy na kuwento ni Nadia, “Two years ago, I was even supposed to join this contest, a reality contest on TV but they had to pull me out because they found out that I had a Wolf-Parkinson-White Syndrome.

“It is a congenital heart disorder, wherein my heart really doesn’t function well. Sometimes it stops, sometimes it palpitates a lot. I have irregular heartbeats.”

Ayon pa sa website na MedicineNet.com, “Wolf-Parkinson-White Syndrome is a condition characterized by abnormal electrical pathways in the heart that cause a disruption of the heart’s normal rhythm.”

Ang mga tao raw na may ganitong sakit ay nakakaranas ng sobrang bilis ng pagtibok ng puso na puwedeng ikahilo, ikahimatay, paghahabol ng hininga, at sa mga rare cases ay cardiac arrest at biglaang pagkamatay.

“Siguro talagang nung Sunday, talagang hindi ko na kinaya yung ano, at natakot na rin talaga ako,” sabi pa ni Nadia.

“Because hindi na ako makahinga, nakita na lang ako ni Tanya [Montenegro, Nadia’s sister] na nangingitim na. So, sinugod nila ako sa Heart Center…”

Singit naman si Atty. Lacuanan, “'Tsaka dagdagan ko lang yun, kaya siya tumakbo, I mean, this is something that she’s been going through. Matagal na niyang binibitbit 'yan.

“Pero natakot siya last Sunday kasi hindi puwedeng iwanan yung laban ng ganun lang, e. Mayroon siyang inumpisahang laban para sa mga bata.

"That’s why I’ve been telling her na rin na she needs to take care of her body. She needs to take care of herself.

“Kaya nga six months na ‘tong kasong ‘to, her natural instinct is immediately say a lot of things. And it was difficult on her part to keep quiet on some of these issues.

“Pero ang posisyon ko kasi ever since, may tamang forum sa lahat ng bagay.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

28 Comments

  • 28  Charminguts

    04/23/2012 | 11:51 AM
    totoo ang sinabi nyong lahat. si Nadia ang may malaking pagkukulang at pagkakamali dito. hindi rin ako kampi kay Annabel pero bilang ina hindi ko rin matiis pinaggagawa ni Nadia. Ikaw Nadia ang naggawa ng lahat ng ito kaya please lang manahimik ka na lang after all wala ka namang reputasyon wag mo na sirain pati sa mga anak mo. Irespeto mo sila! And for once ikaw naman ang magtrabaho para sa kanila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  pinoycali_ako

    04/23/2012 | 08:03 AM
    Next time Kasi Nadia, IKAW as a mother needs to work and not YOUR kids period!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  Fabe

    04/23/2012 | 12:50 AM
    lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  Ligayaparaiso2011

    04/22/2012 | 10:50 AM
    puckerlips43...Teh, gusto ng mga tagahanga mong mapanood ka sa Face to Face ng TV5. Paki-share mo raw sa kanila ang iyong infinite wisdom. Kahit mag-English ka pa raw, carry na. Hwag ka lang daw magcash-advance, magcash advance, magcash advance, magcash advance,magcash advance...bwahahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  maria45

    04/22/2012 | 09:06 AM
    Dont blame others kung bakit wala sa school yung mga kids mo, ikaw na rin ang naglagay sa kanila sa showbusiness..ano ba yan. Ngayon, whatever your issues are inside the house wether its true or not should not be publicly disclosed. In your statement againsts Annanbel, you made accusations that will affect your kids NOT Annabel, siguro naman hindi na kasalanan ni Annabel yun. Ikaw ang nag pa presscon at it would have remained a rumor and just a few knew about it, ngayon, boung Pilipinas na ang alam sa rumor na ito.,,via the mother..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  mindfreak79

    04/22/2012 | 06:21 AM
    she has a heart ailment tapos ilan ang naging anak nila?my sis has heart problem din and ung 2 kids nya, muntik na nya ikamatay.i agree na di na enjoy nitong si nadia ang pagiging dalaga nya.nasilaw sya sa pera ni asistio..oh asan na ngaun si boy?wala na..dami pa nun anak sa ibang asawa hay!sayang si nadia..sikat pa naman sya nun mga early 80's..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  PinkLady_11

    04/22/2012 | 04:41 AM
    sya talaga ang kasuhan ng child abuse, pinagkikitaan nya anak nya, di ba cristy fermin dahil binanggit mong hindi anak ni ex-mayor ung 1 anak ni lillet...sunin on nat'l tv nademanda ka tuloy mega drama naman tong lillet...este nadia pala na emotionally affected daw mga anak, how's that case nga pala, nagka pera ba si nadia don.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  beautifulgaga_07

    04/22/2012 | 03:38 AM
    di na ito napapagod sa pagsasampa ng demanda kay bisaya? saan na siya kumukuha pambayad sa attorney niya? naalala ko tuloy yung si gabby at mammy rose nag away dahil dito kay nadia sulsulera ito kasi dalawang mukha. nauubusan siya ng kaibigan dahil sa ugali niya siguro. tuwing pupunta sa korte kasama mga anak niya. magpapa-interview sa reporters kasama mga anak niya? dapat siya na lang ang pumunta sa mga hearing at huwag na lang palagi isasama mga anak niya. feeling ko totoo talaga na ginagamit niya mga anak. saka yung issue na naman niyang bago na si bisaya daw ang nagkalat hindi ako makapaniwala na siya mismo ang na unang nagsabi sa mga reporters! sus! sana naghintay muna siya na kumalat ang balita na ito bago siya nagsalita. sobrang nakakahiya itong embento niyang kuwento.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  ike

    04/21/2012 | 05:25 PM
    Poor kids. If I were Nadya. I would never drag my kids into this kind of mess. Manalo man o matalo kasi siya sa kaso, mga kids niya and higit na naapektuhan/maaapektuhan. Give it to your kids, Nadya, don't be selfish. Pera lang naman ang dahilan ng lahat ng ito e...gusto mong turuan ng leksyon si AR at the expense of your kids? Maawa ka sa kanila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  kapuspalad1

    04/21/2012 | 02:00 PM
    go nadia..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  neophyte

    04/21/2012 | 11:53 AM
    lose weight, para hindi ma strain yung heart mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Monicafer

    04/21/2012 | 08:44 AM
    Maswerte pa rin si Nadia at kahit may congenital heart problem, nagkaroon pa siya ng anak. It's really sad dahil hindi nagenjoy si Nadia sa kanyang pagdadalaga at nagasawa agad. Dagdag pa sa kanyang frustration ay nawala ang marangyang pamumuhay dahil nawala sa posisyon si Asistio.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  TigerPack

    04/21/2012 | 07:53 AM
    poor nadia
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  SimonLaplace1

    04/21/2012 | 03:05 AM
    The best way to heal is to forgive yourself and ask sorry to people na pinagkautangan mo. And then work for your kids not your kids for you. For once tell the truth.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  beybong

    04/21/2012 | 02:34 AM
    Tahimik na! Wala namang naniniwala sayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  purpleshadow27

    04/21/2012 | 12:54 AM
    In the firstplace pinagtrabaho ang mga anak at a very young age, now thats child abuse.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  che_zhen

    04/20/2012 | 11:16 PM
    NADIA.... Nadia.... de ako kampe ay anabil.. wala akong kinakampihan kasi de ko naman kayo kilala.. pero de ko ito matiis... Maawa ka naman sa mga anak mo.. semple lang kung gusto mo silang pag-aralen stop muna sla sa showbiz.. tamang tama kung matapos na slang mag-aral tapos na rin ang contrata kung yan lang ang dahilan.. bakit gagawa ka pa ng kuwento.. totoo man oh hinde dapat hinayaan mong ibang tao ang maglabas saka ka na magsalita tingnan mo tuloy nakakahiya ang ginawa mo.. Nadia... ano ito for sale ang mga anak mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  nothing_personal

    04/20/2012 | 10:34 PM
    she needs to take time to heal her self physically, emotionally, physically. She is someone whose childhood and teenage years were deprived by someone like her husband. She needs to take care of her children. I can only wish her well. This is really sad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  halabira

    04/20/2012 | 09:49 PM
    Wala ka ng natirang kaibigan,from grechen to ruffa...dapat siguro tingnan mo rin ang sarili mo...kala mo may maaawa sa yo sa presscon mo about your heart dse,katawa ka,isa sa deadly sin ang gluttony...wala kang control sa bunganga mo kaya ka nagkakaganyan.hmp.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fecatada

    04/20/2012 | 09:31 PM
    Nadia she should stop playing games and move on. She as a mother, ay nagkulang kaya huwag isisi kay annabelle end of contract and be done with it why file a case here and there waste of time and money.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About