Nadia Montenegro says before she decided to file charges against Annabelle Rama, she sought the help of her then friend Ruffa Gutierrez. “Siya ang unang-una kong sinabihan na, ‘Ruf, parang I want the kids na lang to go to school. Ruffa, I have problems with Tita Annabelle, can you help me? Ruffa, ganito-ganyan,’ nagsusumbong ako kay Ruffa. And I thought na, Raymond, Richard, Ruffa, would at least, you know, gumitna man lang... Wala, e. Siya [Ruffa] pa yung unang-unang nagmura sa ‘kin," says Nadia.

Photo: Melo Balingit / Noel Orsal

Naiintindihan naman daw ni Nadia ang posisyon ng mga taong gusto nilang kuning witnesses.

Pero ipinapanalangin daw niya na makumbinsi talaga nila’t magawan ng paraan na maging witnesses nila ang mga ito.

“Maybe after this [presscon], kahit papa’no lumakas na rin ang loob nila na, ‘Sige tulungan ko na lang si Nadia na sabihin ang totoo.’

"Yun ang mga ipinapanalangin ko ngayon," asam ni Nadia.

STOP PLAYING THE GAME. Pagkatapos ba ng presscon ay mananahimik bang muli sina Nadia at hindi na muna magsasalita tungkol sa kaso?

Sagot ni Atty. Lacuanan, “I’m hoping that they [Nadia, Ynna, and Anykka] will not play this game anymore. Yung may sinabing masama, sasagutin nila.

“Ako, ang gusto kong mangyari, that they rise above it and be the better person in this dispute.

“Kasi whether they admit it or not, they are influential in one way or another. The people are looking at how this thing develops.

“So, ang gusto ko, from this conflict, each learn their lessons and become better persons.  

"That’s it.”