Fil-Am Thomas Beatie, whose real name is Tracy LaGondino, was born a woman (inset) in Hawaii 38 years ago. He started his sex reassignment surgeries in 2002 and changed his name to Thomas. He first made headlines when he became pregnant (main photo) and gave birth to his first child in 2008.

Photo: File Photos

Tinapos na nina Thomas Beatie at Nancy Roberts ang kanilang siyam na taon na pagsasama.

Sa interview ng People, sinabi ni Thomas na naghiwalay sila ni Nancy dahil tulad ng mga normal couple, may ups and downs ang kanilang pagsasama at dumaranas ng "rough patch" ang relasyon nila.

Tatlo ang anak nina Nancy at Thomas na pawang ipinagbuntis at isinilang ng huli sa pamamagitan ng artificial insemination.

Lumikha ng malaking kontrobersya si Thomas noong 2007 dahil sa kanyang pagbubuntis.

Isang Filipino-American si Thomas. Tracy LaGondino ang tunay na pangalan niya bago siya nagdesisyon na sumailalim sa sex reassignment surgery noong 2002. Hindi niya ipinaalis ang female reproductive organ niya kaya nagkaroon siya ng kakayahan na magbuntis.

Pilipino ang ama ni Tracy. Isinilang siya sa Hawaii 38 years ago. Naging finalist din siya sa Miss Hawaii Teen USA noong kabataan niya.

Hindi kinikilala sa Hawaii ang same sex marriages kaya nagpasya si Tracy na magkaroon ng hormone treatment at sex reassignment procedure para mapakasalan niya si Nancy.

Ipinatanggal din ni Tracy ang boobs niya sa pamamagitan ng isang double radical mastectomy at pinalitan niya ang kanyang pangalan ng Thomas Beatie.

Hindi puwedeng magbuntis si Nancy dahil sa endometriosis.

Ayon sa mayoclinic.com, "endometriosis is an often painful disorder in which tissue that normally lines the inside of your uterus — the endometrium — grows outside your uterus."

Pinili ni Thomas na siya ang magbuntis sa pamamagitan ng isang sperm donor at artificial insemination.

Nagpakuha ng litrato si Thomas na may balbas noong buntis siya sa panganay nila ni Nancy. Pinagdudahan na hoax ang kanyang pagbubuntis at para patunayan na hindi niya niloloko ang publiko, nag-guest si Thomas sa  Oprah, ang defunct show ni Oprah Winfrey.

Muling nag-guest si Thomas sa bagong episode ng The Doctors ng CBS  na ipalalabas sa May 7 at dito niya sinabi na hiwalay na sila ng kanyang asawa.

Ipinagtapat din ni Thomas na sumailalim na siya sa final female-to-male reassignment surgery at mula nang mangyari ito, hindi pa sila nagkikita ng kanyang estranged wife.