Enchong Dee has admitted to having special feelings for Julia Montes. They were together during the recent Star Magic Tour to Hawaii and the U.S. mainland.

Photo: Elli Alipio
Madalas ikumpara ang pagsikat ni Enchong Dee at Xian Lim, dalawa sa mga hottest young actors ngayon.
 
 
Halos pareho ang career path na tinatahak ng dalawa bilang mga bagong leading men ng Kapamilya network. Magkalaban din ang mga produkto kanilang mga ineendorso.
 
 
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Enchong last Wednesday, April 18 sa Jollibee Sm North Annex, tanggap naman ng young actor ang pagkukumpara sa kanila ni Xian kung saan siniguro naman niya na hindi ito nakakaapekto sa pagkakaibigan nilang dalawa.  
 
 
“Di maiiwasan... yung mga ginagawa namin, parang nagkakasabay, nagkakapareho. 
 
 
"Masaya lang kami kasi may mga sumusuporta sa amin na di nawawala, yung nandiyan lagi," ang sabi ni Enchong.
 
 
"Walang problema sa aming dalawa ni Xian, sa ibang tao hindi ko alam. 
 
 
"Basta kami, we’re friends, wala kaming problema.”
 
 
TOUR. Kakatapos lang ni Enchong ng Star Magic tour kung saan nagpunta ang grupo sa Hawaii at sa America for a series of shows. Kasama niya si Gerald Anderson, Rayver Cruz, at Xian.
 
 
“Yun yung tour offering namin dahil 20 years na ang Star Magic ngayon. Sobrang nakakatuwa kasi besides Hawaii mayroon pa kaming Union City, Chicago, at Alaska na napuntahan.
 
 
"Ang dami nating Kapamilya na ang tagal-tagal nang gustong makita kami, na ang tagal-tagal nang gustong umuwi ng Pilipinas. 
 
 
"Yung connection nila yung TV lang so nakakatuwa na nakasama namin sila," paliwanag ni Enchong.
 
 
Naging close ba sila sa biyahe?
 
 
"Oo naman.  Sabi ko nga di ko akalain na magiging close kami. 
 
 
"Before sa Canada pa, tapos ngayon dire-diresto. Buti na lang may ganitong chance para magkasama-sama kami pero parte pa rin ng trabaho.  Nakakalabas kami bilang kami.”
 
 
Napag-usapan din ang pelikula nilang The Reunion under Star Cinema kung saan magkasama pa rin si Enchogng at si Xian.
 
 
“I’m waiting for that also. Kagabi balik-shooting kami then kanina, dire-diresto naman kami, basta soon na siya, malapit nang maipalabas.
 
 
"Dun makikita sa pelikula kung ano yung na-build naming magkakaibigan,” kwento ni Enchong.
 
 
SILENT WAR. Sa taping dati ng Maria La Del Barrio ay inamin naman pareho ni Erich at Enchong na totoong nagkaroon sila ng silent war na mabuti na lang ay inayos ng mga tao sa produksyon. 
 
 
We asked Enchong if he was still open to working with Erich in the near future.
 
 
“Oo naman, definitely.  Those kinds of issues just make our bonding, our relationship stronger. 
 
 
"Di naman yun nawawala, lahat ng relasyon dumadaan dun and we’re really happy that we’re okay now."
  
 
SPECIAL FEELINGS. Bukas din si Enchong sa pag-amin tungkol sa special feelings niya para kay Julia Montes. 
 
 
Inamin naman ng young actress na tuloy pa rin ang panliligaw sa kanya ng aktor at di rin siya nagsasara ng pinto sa mga posiblidad sa hinaharap, bagay na pinaghahawakan naman ni Enchong.
 
 
“Patuloy ang pangarap, hahahaha!  Oo naman, magkasama kami sa Hawaii e, so kaunting bonding pero after that may separate tour kami so hayun.
 
 
"Balik Pilipinas sila agad, kami tumuloy pa sa sa States.”