Is Arkin del Rosario leaving XLR8? The young singer-actor will not confirm or deny: "Meron nga po akong naririnig at nababasa sa mga dyaryo at Internet sites na iiwan ko raw ang XLR8. Dahil siguro sa mga solo projects na naka-line up sa akin...Sa ganyang mga bagay po, manager ko po ang bahalang magdesisyon diyan or Viva."

Photo: File photo

Si Arkin del Rosario ay miyembro ng grupong XLR8, isang sing and dance boy group na regular na napapanuod sa Party Pilipinas at sa Master Showman ni German Moreno sa GMA-7.

Nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam si Arkin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook.

May kumakalat na balita na iiwan mo na raw ang grupong XLR8?

"Meron nga po akong naririnig at nababasa sa mga dyaryo at Internet sites na iiwan ko raw ang XLR8. Dahil siguro sa mga solo projects na naka-line up sa akin.

"Nag-start po yata nung nag-guest ako sa Untold Stories sa TV5, tapos sunod-sunod na po ang solo projects [ko].

"Sa ganyang mga bagay po, manager ko po ang bahalang magdesisyon dyan or Viva," sagot ni Arkin.

"Siyempre sila po ang may hawak ng career ko po at susunod lang po ako bilang artist kung ano man siguro yung ikabubuti ko.

"Sa mga blog sites sa Internet at newspapers, lumabas yung issue na iyon. Hindi ko po alam kung saan nila nakuha yung idea na iiwan ko yung grupo ko.

FANS. "Mahal ko [ang] XLR8 at alam po ng mga fans yan. [Merong] nalungkot nung narinig yung balita. 

"Meron din [na] okay lang po. Mas gusto nila na solo raw ako.

"Pero hindi naman po nila ako bibigyan ng solo kung di pa po ako handa e."


Tinanong namin kung sino ang mga crush ni Arkin sa showbiz...

"Si Ms. Angel Locsin. Ultimate crush ko po siya," sagot ni Arkin.

"Nakasama ko na siya before sa Lobo. Sana magkita kami ulit ...dream come true kung magkakasama kami sa isang project di ba?

"Sa mga ka-age ko gusto ko rin si Louise Delos Reyes.

"Yung tungkol naman kay Kim Komatsu... sa amin na lang muna yun...