Is Arkin del Rosario leaving XLR8? The young singer-actor will not confirm or deny: "Meron nga po akong naririnig at nababasa sa mga dyaryo at Internet sites na iiwan ko raw ang XLR8. Dahil siguro sa mga solo projects na naka-line up sa akin...Sa ganyang mga bagay po, manager ko po ang bahalang magdesisyon diyan or Viva."

Photo: File photo

"So far, wala pa po akong dinedate na showbiz person. Siguro kung lalabas, grupo kaming lumalabas na magkakaibigan, para wala din pong isyu."

INDIE. May balitang gagawa raw siya ng indie film?

"Yes, may gagawin po akong indie film na ipapalabas din sa Indonesia. Mohammad at Abdulla po ang title.

"Makakasama ko po dito si TeeJay Marquez ng Tween Hearts bilang si Mohammad at gagampanan ko naman po ang role na Abdulla.

"Istorya po ito ng dalawang magkababata na mag-best friend," kwento ni Arkin.

"Lumaki sila nang sabay at karamay ang isa't-isa sa lahat ng bagay. Basta maganda ang twist ng istorya nito saka may mapupulot na aral ang mga manonood.

"Kakaiba siya for me at challenging yung role ko dito.

"Kaya nagpapasalamat po ako sa tiwalang binigay sa akin ng producer namin...at ni Kuya Germs dahil isa po ako sa napili nilang gumanap dito sa project na ito."

Ayon kay Arkin ang mga hinahangaan niya sa industriya ay sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo at Piolo Pascual.

"Kasi sobrang husay nila sa larangan ng pag-arte," aniya.

"Yun yung goal ko dito sa industry—maging mahusay na aktor at maging inspirasyon sa mga ibang tao."