news

Justine Ferrer postpones wedding plans; disagrees about transgenders joining beauty contests for women

by Ruel J. Mendoza posted on April 23, 2012  STATS: 12046 Views | 11 Comments

Justine Ferrer's greatest achievement, perhaps, is having passed the rigid qualification requirements of Survivor Philippines and on to becoming one of its long-surviving castaways. Though admitting belatedly that she is a transgender, Justine does not consider her sex change an issue but rather to "prove a point."

Photo By: Ruel J. Mendoza

Pagkatapos matanggal sa dating QTV 11 ang showbiz talkshow Tweetbiz Insiders na kinabibilangan ng Survivor Philippines castaway na si Justine Ferrer, huling nabalitaan sa kanya ay magpapakasal na siya sa kanyang 62-year-old American fiancé na si Richard Lyle.

Matatadaang masayang in-announce ni Justine ang kanyang engagement at ang planong magpakasal nang dalawang beses—una ay isang beach wedding sa Puerto Galera at pangalawa ay sa Massachusetts, USA.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Justine via Facebook, ibinalita niyang hindi pa natutuloy ang pagpapakasal nila dahil sumakabilang-buhay ang ina ni Richard.

BURIAL ARRANGEMENTS. Madaliang lumipad sa Portland, Oregon sina Justin at Richard para asikasuhin ang burol at libing ng ina ng huli.

    

Kuwento ni Justine, “Matagal na ring may sakit 'yon at nasa isang care home na siya para nababantayan ng mga nurses.

    

“Noong makarating nga sa amin yung nangyari, pumunta kami agad doon para asikasuhin ang lahat.

    

“Sabi ko naman kay Richard na okey lang na hindi muna matuloy ang wedding namin.

“Importante ay maayos niya muna ang mga naiwan ng mother niya."

    

One month nag-stay sa Oregon si Justin at pagkatapos maayos ang lahat, bumalik sila ni Richard sa Pilipinas para ayusin naman ang ilang bagay-bagay rito.

    

Aniya, “Medyo na-stress nga kami ni Richard sa U.S. dahil sa pag-asikaso sa  mother niya.

“Kaya noong tapos na, nagbakasyon naman kami sa Bangkok at Singapore para lang makapagpahinga.

    

“Kakabalik nga lang nami ng Manila.

"Ako naman, gusto ko rin na bumalik na dito at baka may trabaho na akong gagawin.

“May kontrata pa kasi ako with GMA Artist Center.

    

“Sa ngayon, wala pa naman akong natatanggap na tawag kaya mga personal na bagay muna ang inaasikaso ko.

   

“Miss ko na rin mag-taping kasi matagal na rin since nawala ang Tweetbiz, di ba?

“Hopefully, maging busy ulit ako.”

HIV INFOMERCIAL. May ginawang public service campaign si Justine called Take The Test—para ito sa HIV (human immunodeficiency virus) awareness.

    

“Yung ginawa kong VTR na Take The Test ay para hindi matakot ang mga tao to take an HIV test.

    

“Walang masama in taking the test.

“Para lang alam natin na we are safe, especially kung sexually active tayo or kahit na hindi, walang masama in taking an HIV test.

    

“Mapapanood na over YouTube itong Take The Test at magiging nationwide campaign nga ito.

“I am proud na nakasama ako sa campaign na ito," saad niya.

    

CONTINUE WEDDING PLANS. Nasa plano pa rin ni Justine ang kanyang dream wedding.

Palilipasin lang daw muna nila ang pagluluksa ng kanyang fiancé at doon na raw ulit sila magpaplano.

    

“Kapag natapos na ang lahat ng ito, maglatag na lang ulit kami ng mga plans namin ni Richard.

    

“Sa ngayon, happy naman ako sa buhay ko.

“Nae-enjoy ko ang ganitong buhay, yung kasama mo ang taong alam mong mahal ka.

    

“Though masasabi ko nga na hindi naman perfect ang pagsasama namin.

“May mga pagkakataon na may pinagtatalunan kami, nagkakatampuhan—mga normal na pinagdadaanan ng mga couples.

    

“Pero nandito pa rin naman kami for one another.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  pinas48

    04/23/2012 | 10:14 PM
    ganda mo nman ateng..pak..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  hhamlin

    04/23/2012 | 05:38 PM
    Wow akala ko babae sya in fairness maganda sya. Agree ako sa sinabi nya tungkol sa transgender issue. At least marunong syang rumispito sa mga tunay na babae.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pilyangmaganda

    04/23/2012 | 05:20 PM
    isa pa tong nag hahasik ng lagim sa kamunduhan. Hindi maligaya kung ano ang binigay ng diyosa sa kanila. dapat ang mga ito eh lumugar sa dapat kalagyan. masamang ehemplo sa mga kabataan. masyadong feeling na keso ganito ganyan. pwede bah huwag suportahan mga taong ganito. ok naman maging bakla pero palitan ang bagay na ibinagay sayo ng diyos ay sobra nah....para anoh pansariling kaligayahan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    04/23/2012 | 05:04 PM
    Pretty huh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • queen_star

    04/23/2012 | 03:13 PM
    Pinaghalong angel locsin at Kim chiu ang dating nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilya_na_pilya

    04/23/2012 | 03:05 PM
    Ganda mo teh! trans pala sya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    04/23/2012 | 01:41 PM
    wow... 62yo ang partner nya? haha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    04/23/2012 | 01:07 PM
    ordinary look lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Uripon

    04/23/2012 | 12:58 PM
    ang transgender na nagpaiyak kay La Greta sa isang interview. Grabe naman daw kasi ang mga tanong niya kahit nakiusap nang huwag pag-usapan ang isyu.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ka_epal

    04/23/2012 | 12:53 PM
    isang malaking DA WHO??? at alam na kung ano ang HABOL sa LALAKI! what a shame!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    04/23/2012 | 12:34 PM
    LOVE CONQUERS ALL. Ganyan talaga ang love, so stay happy Justine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About