“Pero siyempre, buti na lang kasama ko si Nathan.
“Kasi at least, meron akong kasama. Hindi ako mag-isa.
“No’ng buntis ako, talagang hirap ako, e. Kasi mag-isa lang ako, e.
“Pero ngayon, at least kasama ko si Nathan.
“Siyempre, iba rin ‘yong kasama ko siya [Ogie].
“Tanong nga ako nang tanong sa kanya, ‘Anong gagawin mo bukas?’
“Siguro mga limang beses ko siyang tatanungin, ‘Anong gagawin mo bukas?’”
TWEETS FROM REGINE. Mahilig pa rin ba siya sa pagtu-tweet bilang isa sa napaglilibangan niya?
“Nagtu-tweet pa rin naman ako. Kaya lang ngayon, medyo nakakapahinga na ako dahil natutulog na si Nathan nang maaga.
“Kaya lang, lumilikot na. So, gumigising na ako nang maaga.
“Biglang dumadapa na. Baka mahulog,” sabi ni Regine.
So, talagang hands-on mom pa rin siya kay Nathan?
“May kasama naman ako. Pero siyempre, gusto kong makita ‘yong paglaki, e.
“At saka maganda nga kasi I’m given this time talaga to take care of the baby. So, samantalahin!” saad ni Regine.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
25 thelastpepbender
24 ClawClown
23 under_rated
22 kazumi_yumi
21 ratedsardines
20 lanalang08
19 ako_budoy
18 hetonanaman
17 hototguy
16 concon0422
15 Americangirl
14 ohmychika
13 MissHugoBacungan
12 tatoyadik
11 rodgie87
10 rodgie87
9 alexangel
8 ka_epal
7 parisperezhilton
6 certified_orig1
more comments