Regine Velasquez on making a showbiz comeback: “As much as possible sana, ayokong bumalik muna na medyo hindi pa ako comfortable sa sarili kong… skin. So, ayoko naman na kapag lumalabas ako ng TV, parang nai-insecure ako... I will work hard first to lose all the weight that I’ve gained during my pregnancy. ‘Tapos hopefully, mabilis lang. Siyempre, I have to take time kasi I carried the baby for nine months. Hindi naman gano’n kadali iyon.”

Photo: Monching Jaramillo

Nagkaroon ng birthday celebration sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas kahapon, April 22, ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Kahapon ang mismong 42nd birthday ni Regine.

Natanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung meron din bang party na magaganap kaugnay ng kanyang kaarawan.   

“Wala. May family day sa bahay.

“Kasi kapag Sunday, family day. Gano’n lang. 

“’Tapos may pansit! Yes. Kapag birthday, laging may pansit!” natatawang sabi ng Asia’s Songbird.

FIRST BIRTHDAY AS A MOM. Ito ang unang kaarawan ni Regine na kapiling niya si Nathan, ang five-month-old baby nila ng asawa niyang si Ogie Alcasid. 

Ayon nga sa singer-actress, mas kumpleto na ang buhay niya ngayong kapiling nila si Nate.

“Uhm, siyempre, iba na ang pakiramdam, ano,” nangiti si Regine. 

“Kanina ngang madaling-araw, magkasama kami.

“So, wala. Tinitingnan ko lang matulog. 

“Kasi hinihintay ko ‘yong asawa ko. So, tinitingnan ko lang.

“E, umaarte-arte siya! Ha-ha-ha! Kumikilos-kilos.

“Inaamoy ko ‘yong hininga niya. Gusto kong gisingin. Gusto kong laruin.

“Kaya lang, kawawa naman. Hinayaan ko na lang. Tinitingnan ko lang siyang matulog.