news

Part 1. Luis Manzano denies visiting a church in Batangas to book his wedding with Jennylyn Mercado: "Kagulat-gulat talaga!"      

by Ruben Marasigan posted on April 23, 2012  STATS: 19291 Views | 16 Comments

Luis Manzano was reportedly spotted at the Basilica of St. Martin de Tours in Taal, Batangas, inquiring on how to book a wedding. But the TV host-actor says, “Wala. Actually nabasa ko nga ‘yon. Sabi ko, ‘Sino ‘yon?’ Kung kamukha ko man siya, ang suwerteng nilalang no’n!' Wala kahit anong katotohanan behind it. Nothing at all talaga. Ni hindi ko ma-explain. Kahit ako, gusto kong malaman ang pinanggalingan no’n. I’m curious."  

Photo By: Abby Mendoza & Noel Orsal

Hindi inaasahang makasalubong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis Manzano sa hallway ng ABS-CBN studios kahapon, April 22.

Napadaan siya roon para dalawin ang mga host ng The Buzz na sina Toni Gonzaga at Boy Abunda na parehong malapit sa kanya.

       

WEDDING IN BATANGAS? Natawa ang TV host-actor nang mausisa tungkol sa napapabalitang plano na raw nilang magpakasal ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado. 

May balita pa ngang nakita raw si Luis na nagpunta sa Basilica of St. Martin de Tours sa Taal, Batangas para mag-inquire ng tungkol sa pagpapa-book ng kasal.   

       

“Kagulat-gulat talaga! Siguro kamukha ko lang!” sabay tawa ni Luis.

       

Wala pa bang plano talaga na pakasal na sila ni Jennylyn? Hindi pa nila napag-uusapan?

       

“Wala. Actually, nabasa ko nga ‘yon. Sabi ko, ‘Sino ‘yon?’ 

“Kung kamukha ko man siya, ang suwerteng nilalang no’n!” pabiro pang nasabi niya.

       

“Wala kahit anong katotohanan behind it. Nothing at all talaga.

       

“Ni hindi ko ma-explain. Kahit ako, gusto kong malaman ang pinanggalingan no’n. I’m curious.      

“Kung may mahanap din kayong kasagutan, please let me know."

       

Ano naman ang reaksiyon ni Jennylyn tungkol dito?

       

“Hindi ko alam kung nabalitaan na niya.

       

“Pero kahit ako, hindi ko alam kung papa'no ipapaliwanag kasi ang labo, e. There’s nothing behind it.

       

“So, ewan ko... Siguro kamukha ko lang ‘yong sinasabing nakita nila doon. 

“Iyon lang ang only explanation na naiisip ko—kamukha.

       

“I think na-clarify na rin yata ng mga taga-Taal. So, weird lang.

        

“Kahit ako, gusto kong malaman ang pinanggalingan no’n. I’m curious. 

“Kung may mahanap din kayong kasagutan,  please let me know," saad ni Luis.

       

FOR HIS CONSIDERATION. Sakali ba na magpapakasal na nga sila ni Jennylyn, ikukunsidera ba ni Luis na sa Batangas ito ganapin?

       

“Oo naman!" mabilis niyang sagot.

"Batangas is very close to my family. Do’n nga ikinasal din si Mommy.

       

“Oo, iku-consider ko rin naman iyon.”

        

Sa  Lipa City Cathedral noon ikinasal ang ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos at si Senator Ralph Recto.   

Sila naman kaya ni Jennylyn, posible bang sa Basilica of St. Martin de Tours sa Taal, gaya ng usap-usapan lately?  

       

Bukod kasi sa tourist attraction ito sa Batangas, makasaysayan din ang naturang simbahan na sinasabing pinakamalaki sa Pilipinas, at pangalawa sa pinakamalaki sa Asia. 

Matatandaang dito ikinasal noon si Ogie Alcasid at ang first wife nitong si Michelle Van Eimeren.

         

Ayon kay Luis, “Yes, iku-consider ko rin naman na puwedeng doon.

        

“Pero long long way to go. Hindi pa talaga.”

        

IS SHE THE ONE? Maganda ang takbo ng relasyon nila ni Jennylyn kaya halos lahat ay ina-assume na papunta na sila sa kasalan.

Ano ang masasabi ni Luis dito?

       

“Well, in any relationship naman, you’re hoping na it’s the end product. Uhm… pero long way to go.”

        

Mga ilang taon pa kaya bago mangyaring humarap na nga sila ni Jennylyn sa altar?

        

“I have no idea. I wish I knew," sagot niya.

       

Si Jennylyn na nga ba ang babaeng pakakasalan niya? Sigurado na siya?

       

“Sa amin naman, in any relationship, you work on it for keeps.

       

“Pero long way to go pa nga. Very, very long way.”

        

They’re still enjoying each other’s company as of now, according to Luis. At sa gano’ng level daw muna sila bago ang tungkol sa pagpaplanong pakasal na.

        

“Yes. Not just the relationship, we’re enjoying everything na life is drawing my way.”

         

Ilang taon pa kaya bago sila magdesisyong magpakasal na?

        

“Wala. Sabi ko nga, may mga whirlwind romance na nangyayari. 

“At the same time, merong mga sobrang tagal bago magkatuluyan.

         

“So, hindi pa namin alam kung saan ba kami pupuwesto no’n.”

           

Pero kung tutuusin, stable na siya at kaya nang magkaroon ng sariling pamilya. Kung aspetong ito ang pag-uusapan, handa na siguro siyang lumagay sa buhay may-asawa.

         

“Not yet," pagtanggi ni Luis.

"Kasi, kumbaga, ang dami ko pang kailangang gawin.

         

“At the same time, inirerespeto ko ‘yong kailangang gawin ni Jen.

"Hindi lang bilang isang anak. Higit sa lahat, bilang isang ina.”  

        

ALL'S WELL! Sa kaso ni Luis, parang nasa ayos ang lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

Smooth-sailing ang relasyon nila ni Jennylyn. Maayos din ang lagay ng mga pinasok niyang negosyo. At ang kanyang career, okey rin ang takbo.

        

Labis nga rin daw siyang nag-e-enjoy sa paghu-host ng Kapamilya Deal Or No Deal.

        

“We’re very happy naman sa feedback sa show.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  ratedsardines

    04/24/2012 | 07:40 PM
    Im an avid Kapamilya fan, pero I think over exposed na itong si Manzano sa Dos. I wonder why he keeps on getting good breaks in hosting considering his mediocre and very predictable style. Magaling lang siyang mag english pero it doesnt warrant excellence in his chosen field. Dapat bawas bawasan nya ang pagiging poker faced kapag nagbabasa sa idiot board and maging casual lang at hindi parang de numero ang mga bitaw na salita at kumpas ng kamay na parang nagsasabing panoorin nyo ako kung gaano ako kagaling mag host.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  nakiman

    04/24/2012 | 05:56 PM
    tanong lang, Jenylyn is good person pero my question is bakit gusto ni Luis ang may anak?? nagtatanong lang po.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  tere2310

    04/24/2012 | 12:33 PM
    GOOD LUCK JEN AND LUIS! WE LOVE YOU JEN!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  fanatix

    04/24/2012 | 08:54 AM
    wala kayong karapatan humusga kung cno bagay kay jennylyn at cno ang bagay kay luis marunong pa kayo. bakit kilala nyo ba cla sa personal? hayaan nyo cla buhay nila yan. bakti kung nag kakaproblema ba sila, nagkakasakit nandyan ba kayo sa tabi nila pra i comfort sila? sus, tumahimik na kayo puro kayo negative comments eh kung tutuusin mas mabubuting tao pa cla sa inyo tignan nyo naman maganda takbo ng careers nilang dalawa kc nag tatatrabaho sila ng maayos. asikasuhin nyo nalang buhay nyo for sure mas magulo pa mga buhay nyo kesa sa kanila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  bulagafan

    04/23/2012 | 07:03 PM
    Interesado naman kaya si Jen na pakasalan si Luis. Ang ganda ng takbo ng kanyang career, at magkasundo na siya at ang tatay ng anak siya, may inaalagaan siyang nanaynanayan. Pinakaimportante ay may peace of mind siya at maligaya sa piling ng anak niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  kantaratarat

    04/23/2012 | 05:45 PM
    hay naku papa p part 2 ang ganyang mga kaartihan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  pear1102

    04/23/2012 | 04:03 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/23/2012 | 03:30 PM
    c milomilo matagal ng may sa yad yan kaya unawain natin sya. Kahit sino pa Luis ang mapangasawa mo, sigurado kaming napaka swerteng babae nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tere2310

    04/23/2012 | 03:21 PM
    I LOVE EVERYTHING ABOUT JENNYLYN MERCADO, TOTOONG TAO AT MAY SARILING PANININDIGAN!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ooooopppppsssss

    04/23/2012 | 02:17 PM
    I love everything about Luis Manzano except his girlfriend. Over qualified siya para kay Jennelyn. Two thumbs up for his Deal Or No Deal Hosting...my favorite show.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    04/23/2012 | 02:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • spark0508

    04/23/2012 | 02:00 PM
    laughtrip ang Unang nagcomment..IKAW na d Interesado nyahahaha!BURAHIN mo na KAKAHIYA eh hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • chikadee

    04/23/2012 | 01:56 PM
    milomilo hahaah wala daw interest pero nag comment. sino niloloko mo sarili mo? lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • manofdhr

    04/23/2012 | 01:35 PM
    milomilo, di ka pala intersado, bakit ka nag aksaya ng panahon mag comment!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    04/23/2012 | 01:12 PM
    SHOCKING. Why would ABS CBN tv host Luis Manzano be interested in hetero weddings? Magpakatoo na, please.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    04/23/2012 | 01:05 PM
    hindi kagulatgulat...hindi kami interesao.. its not our concern
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About