Ogie Alcasid on wife Regine Velasquez: “Mahiyain lang kunyari si Regine. Pero I think she’s the most accommodating person you know.  Ano lang ‘yan… she’s just soft-spoken sometimes. Pero kapag tsinika ka na, wala na. Hindi ka na niya tatantanan!”

Photo: Monching Jaramillo

Sobrang busy ngayon ng singer/comedian/TV host na si Ogie Alcasid. 

Bukod sa regular shows niya sa GMA-7 na Bubble Gang at Party Pilipinas, ginagawa rin niya ang pelikulang Boy Pick-Up para sa GMA Films. 

Meron din siyang pagbibidahang panghapon na serye sa Kapuso network—ang Daddy Dear.

Natawa nga si Ogie nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, April 22, tungkol sa nasabi ng asawa niyang si Regine Velasquez na nami-miss na raw siya nito this time na ang dami niyang pinagkakaabalahang projects.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Ogie, “Pero ano naman, nagkikita pa naman kami. ‘Yon nga lang, pareho kaming puyat lagi.

“So, konti na lang. Konting tiis na lang. 

“Siguro by September, magkakaroon kami ng medyo mahaba-habang vacation.”

Ayon pa kay Regine, maraming ibinigay na regalo sa kanya si Ogie nitong birthday niya. Nagdiwang ng kanyang 42nd birthday si Regine kahapon din.

“Dapat naman!” natatawang sabi ni Ogie.

Pambawi ba niya iyon dahil masyado nga siyang busy lately?

“Siguro!” tawa ulit niya.

“Pero hindi… it’s more than that. 

“I think… alam mo ang asawa ko naman, napakasimpleng tao niyan, e. 

“Maalala mo lang siya, okey na sa kanya ‘yon.