Ynna Asistio on why she wants her boyfriend Mark Herras be spared from questions regarding her family's rift with Annabelle Rama: “Ayoko lang kasi siyang madamay kasi laban ito ng family ko. At hindi naman kailangang laging kasama si Mark kung ‘yong pamilya ko ang pinag-uusapan.”

Photo: Noel Orsal

Kita sa mukha ni Ynna Asistio na iniinda niya ang patuloy na hidwaan at demandahan ng kanyang inang si Nadia Montenegro at ng kanyang talent manager na si Annabelle Rama.   

     

Umiiwas na nga siyang magkomento pa sa pagkaka-dismiss ng kasong Child Abuse na isinampa ng kanyang ina laban kay Annabelle, at pag-usapan ang iba pang mga kaso na inihain ng magkabilang kampo laban sa isa’t isa na hanggang ngayon ay dinidinig pa rin sa korte.

      

ANOTHER CASE. May personal ding legal battle na solong kinakaharap ngayon si Ynna. 

Ito ay ang tungkol sa reklamo niyang panunutok daw ng baril sa kanila ng kanyang auntie na si Tanya Montenegro at iba pang kasama ng isang tao na nakagitgitan nila ng sasakyan sa EDSA noong March 27, 2012.

       

Konektado raw sa PSBank ang nasabing taong nanutok sa kanila ng baril. 

Naglabas naman ng statement ang nasabing bangko na wala raw ganung insidente na nangyari.

(CLICK HERE to read related story.)

       

“Iyon nga, na-disappoint ako,” malungkot na sabi ni Ynna nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, April 22, Linggo.

        

“Na-disappoint ako kasi siyempre, parang ang tingin ng [mga] tao, ‘yon nga, ginawa ko lang ‘yong kuwento. Or nagsinungaling ako. 

        

“Ang sa akin lang naman po, kung talagang gumawa sila [mga taong nagsisiyasat sa insidente] ng investigation, dapat hindi one-sided.

        

“Kasi kung investigation iyon, dapat may side namin.

        

“Ang nangyari po kasi, ang isinubmit nila, ‘yon nga… nag-investigate sila at wala raw gano’ng nangyari.

      

“Pati na rin po sa MMDA [Metro Manila Development Authority], ever since na nag-start ‘yong ano…  kumbaga, humingi ako ng tulong sa kanila na sana matulungan nila ako tungkol do’n.

       

“And then, sabi nila, kahit daw sa CCTV camera ng MMDA, wala raw nakitang incident na gano’n.

       

“'Di ba? Ang akin lang, ano ‘yon, ilusyon? Or inimbento ko para lang ako mapag-usapan?"

      

Dagdag pa ng Kapuso talent, “Ang sa akin lang, mali lang talaga po ‘yong ginawa sa amin. 

"And hindi po ako maglalakas-loob na kumuha ng [na-record ng] CCTV camera from MMDA kung walang nangyari.

      

“At saka ang ano lang po, sa simula pa lang, humingi na ako ng copy no’n sa MMDA. 

“Sila [panig ng inaakusahan niyang nanutok sa kanila] pa ang unang nabigyan.

       

“Pati po ‘yong media, humihingi po ng copy sa kanila. Wala po akong nabalitaan na mero’n [nabigyan ng kopya].

        

“Ang gusto lang naman namin, makaharap ‘yong tao, e. Kasi kitang-kita nga kami doon, e. 

“Pamilya kaming nasa loob [ng sasakyan]. May bata sa harap.  Masaya kami. Nagkukuwentuhan.

      

“So, di ba? Kung trip lang po nila ‘yon [panunutok ng baril], e, hindi nga po maganda. 

“And ipinaparating ko rin lang po sa iba na hindi ko nga po ito ginawa para lang mapag-usapan o ano.    

      

“Dahil ayoko rin lang po na mangyari sa iba. Kasi sobra, e. Di ba? 

“‘Yong disgrasya diyan sa kalye, lalo na sa Edsa, ‘tapos may mga gano’n pa? 

"Talagang maaaksidente, di  ba? Iyon lang po ang sa akin.”

       

NEXT STEP? Ano ang sunod na hakbang na pinaplano niyang gawin?    

        

“Uhm… actually, naka-file na ‘yong complaint sa PNP [Philippine National Police]. Hindi pa po kami binabalikan.

       

“Pero ang nakikipag-usap ‘yong tita [Tanya] ko.

"Kasi siya ‘yong nagda-drive [no’ng nangyari ang insidente] at isa ako sa passenger.

       

“Tita ko na po ang bahala do’n.

"Ang hirap lang po, di ba? 

“Alam naman nating ang daming nangyari sa amin ngayon. Hindi ko lang po alam kung ano ang uunahin.

       

“Pero ‘yon lang, gusto ko lang pong i-prove ‘yong statement ko. 

“At hindi ko po babaguhin ‘yon kasi totoo lahat ng sinabi ko.

        

“At ‘yon na nga, nag-tweet ako. Tinweet ko ‘yong picture. 

"Dahil mali nga po. Sana lang, wala na pong maaksidente nang gano’n.”

       

PLEASE SPARE MARK! Masalimuot man at mahirap ang mga pagsubok at problemang pinagdadaanan nila ng kanyang pamilya ngayon, nakakapagpagaan daw ng loob ni Ynna na laging nasa likod niya at nakaalalay para sumuporta ang boyfriend niyang si Mark Herras.

        

Aniya, “Siyempre, alam naman po natin na kahit na anong mangyari, si Mark, nakasuporta sa akin, di ba?