news

Ynna Asistio disappointed with PSBank's investigation about her complaint: "Ano ‘yon, ilusyon? Or inimbento ko para lang ako mapag-usapan?"

by Ruben Marasigan posted on April 23, 2012  STATS: 19990 Views | 23 Comments

Ynna Asistio on why she wants her boyfriend Mark Herras be spared from questions regarding her family's rift with Annabelle Rama: “Ayoko lang kasi siyang madamay kasi laban ito ng family ko. At hindi naman kailangang laging kasama si Mark kung ‘yong pamilya ko ang pinag-uusapan.”

Photo By: Noel Orsal

Kita sa mukha ni Ynna Asistio na iniinda niya ang patuloy na hidwaan at demandahan ng kanyang inang si Nadia Montenegro at ng kanyang talent manager na si Annabelle Rama.   

     

Umiiwas na nga siyang magkomento pa sa pagkaka-dismiss ng kasong Child Abuse na isinampa ng kanyang ina laban kay Annabelle, at pag-usapan ang iba pang mga kaso na inihain ng magkabilang kampo laban sa isa’t isa na hanggang ngayon ay dinidinig pa rin sa korte.

      

ANOTHER CASE. May personal ding legal battle na solong kinakaharap ngayon si Ynna. 

Ito ay ang tungkol sa reklamo niyang panunutok daw ng baril sa kanila ng kanyang auntie na si Tanya Montenegro at iba pang kasama ng isang tao na nakagitgitan nila ng sasakyan sa EDSA noong March 27, 2012.

       

Konektado raw sa PSBank ang nasabing taong nanutok sa kanila ng baril. 

Naglabas naman ng statement ang nasabing bangko na wala raw ganung insidente na nangyari.

(CLICK HERE to read related story.)

       

“Iyon nga, na-disappoint ako,” malungkot na sabi ni Ynna nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, April 22, Linggo.

        

“Na-disappoint ako kasi siyempre, parang ang tingin ng [mga] tao, ‘yon nga, ginawa ko lang ‘yong kuwento. Or nagsinungaling ako. 

        

“Ang sa akin lang naman po, kung talagang gumawa sila [mga taong nagsisiyasat sa insidente] ng investigation, dapat hindi one-sided.

        

“Kasi kung investigation iyon, dapat may side namin.

        

“Ang nangyari po kasi, ang isinubmit nila, ‘yon nga… nag-investigate sila at wala raw gano’ng nangyari.

      

“Pati na rin po sa MMDA [Metro Manila Development Authority], ever since na nag-start ‘yong ano…  kumbaga, humingi ako ng tulong sa kanila na sana matulungan nila ako tungkol do’n.

       

“And then, sabi nila, kahit daw sa CCTV camera ng MMDA, wala raw nakitang incident na gano’n.

       

“'Di ba? Ang akin lang, ano ‘yon, ilusyon? Or inimbento ko para lang ako mapag-usapan?"

      

Dagdag pa ng Kapuso talent, “Ang sa akin lang, mali lang talaga po ‘yong ginawa sa amin. 

"And hindi po ako maglalakas-loob na kumuha ng [na-record ng] CCTV camera from MMDA kung walang nangyari.

      

“At saka ang ano lang po, sa simula pa lang, humingi na ako ng copy no’n sa MMDA. 

“Sila [panig ng inaakusahan niyang nanutok sa kanila] pa ang unang nabigyan.

       

“Pati po ‘yong media, humihingi po ng copy sa kanila. Wala po akong nabalitaan na mero’n [nabigyan ng kopya].

        

“Ang gusto lang naman namin, makaharap ‘yong tao, e. Kasi kitang-kita nga kami doon, e. 

“Pamilya kaming nasa loob [ng sasakyan]. May bata sa harap.  Masaya kami. Nagkukuwentuhan.

      

“So, di ba? Kung trip lang po nila ‘yon [panunutok ng baril], e, hindi nga po maganda. 

“And ipinaparating ko rin lang po sa iba na hindi ko nga po ito ginawa para lang mapag-usapan o ano.    

      

“Dahil ayoko rin lang po na mangyari sa iba. Kasi sobra, e. Di ba? 

“‘Yong disgrasya diyan sa kalye, lalo na sa Edsa, ‘tapos may mga gano’n pa? 

"Talagang maaaksidente, di  ba? Iyon lang po ang sa akin.”

       

NEXT STEP? Ano ang sunod na hakbang na pinaplano niyang gawin?    

        

“Uhm… actually, naka-file na ‘yong complaint sa PNP [Philippine National Police]. Hindi pa po kami binabalikan.

       

“Pero ang nakikipag-usap ‘yong tita [Tanya] ko.

"Kasi siya ‘yong nagda-drive [no’ng nangyari ang insidente] at isa ako sa passenger.

       

“Tita ko na po ang bahala do’n.

"Ang hirap lang po, di ba? 

“Alam naman nating ang daming nangyari sa amin ngayon. Hindi ko lang po alam kung ano ang uunahin.

       

“Pero ‘yon lang, gusto ko lang pong i-prove ‘yong statement ko. 

“At hindi ko po babaguhin ‘yon kasi totoo lahat ng sinabi ko.

        

“At ‘yon na nga, nag-tweet ako. Tinweet ko ‘yong picture. 

"Dahil mali nga po. Sana lang, wala na pong maaksidente nang gano’n.”

       

PLEASE SPARE MARK! Masalimuot man at mahirap ang mga pagsubok at problemang pinagdadaanan nila ng kanyang pamilya ngayon, nakakapagpagaan daw ng loob ni Ynna na laging nasa likod niya at nakaalalay para sumuporta ang boyfriend niyang si Mark Herras.

        

Aniya, “Siyempre, alam naman po natin na kahit na anong mangyari, si Mark, nakasuporta sa akin, di ba? 

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

23 Comments

  • 23  gayfairy

    04/26/2012 | 11:47 PM
    ynna puede kang writer ng fantaserye, lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  babylynn

    04/25/2012 | 09:43 AM
    Ynna common sense lang ha... armored car kasi yan so may pinoprotektahan silang pera na dala nila... natural instinct lang na maging defensive sila kapag may dumikikit na sasakyan at humaharang... gets mo....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  katnisseverdeen12d

    04/24/2012 | 08:46 PM
    ano pa nga bang gusto nyo, mapagusapan naman talaga! wala na kasing pera! pathetic! :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  egat

    04/24/2012 | 06:38 PM
    no more money.. that is why they are looking for money in the court.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  mskeane_11

    04/24/2012 | 10:57 AM
    Well, you got what you wished for... Pinang-uusapan ka na nga, yun nga Lang, NEGA ang arrive!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  puckerlips143

    04/24/2012 | 10:24 AM
    hindi sya yun sinasabi nung nanay na ginalaw mas maganda ata yun kesa kay ynna.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  prettyme4sure

    04/24/2012 | 09:41 AM
    sya ba yung na rpe daw ng father nya?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  itnok

    04/24/2012 | 08:50 AM
    naku iha malamang nga ilusyon mo yan at imbento, manang mana ka sa nanay mo. magbayad muna kayo ng utang at isoli niyo yung mga ninakaw niyong furniture kay bisaya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  milomilo123

    04/24/2012 | 03:31 AM
    beergin pa daw siya?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  Prd2bpnay8

    04/24/2012 | 02:42 AM
    Yan ang napapala ng pamilya mo na mahilig gumawa ng istorya at kasinungalingan! Kahit siguro totoo na ang sinasabi mo wala ng maniniwala sa iyo o sa kahit sino sa inyo. This is just like the story of the boy that cried wolf. Sana mawalan ka na rin ng career para mapilitang magbanat ng buto yang nanay mo na sobrang tamad at takaw kaya kayong mga anak ang pilit na kinakabayo sa pagtatrabaho to sipport her.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  beybong

    04/24/2012 | 01:44 AM
    buti nga sayo! Karma yan! Mga sinungaling kasi kayo ni Babsy eh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  halabira

    04/24/2012 | 12:32 AM
    hahaha!ilusyon mo nga yon hija.kalurkey,at bakit pag uusapan pa si mark?sikat pa ba yun?nawalan na ng career yun dahil sa yo,kaya mag sama kayo ni cristine reyes to enjoy na lang life to the fullest outside showbiz.hahaha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  pjreyes128

    04/23/2012 | 11:53 PM
    na sa lahi ka kasi ng illusyunada at wala ng credibilidad ang pamilya mo dahil sa nanay mo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  milomilo123

    04/23/2012 | 11:17 PM
    tama ka ilusyonada ka nga. period
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    04/23/2012 | 10:48 PM
    maganda pa talaga si nadia kesa sa mga anak nya kahit damatan na at mata ba. Anyway yna pag me history na kasi ng pagiging sinunga ling anghirap ng paniwalaan. Nagawa mong piktyuran yun armored dapat kinunan mo na rin ng video doon palang sa ginitgit kayo eh d walang lusot ang psbank. Goodluck na lang sayo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • winonao1

    04/23/2012 | 10:07 PM
    naniniwala ako sa kanya.. parang hindi naman sya nagsisinungaling hihi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • happy_pinoy

    04/23/2012 | 10:07 PM
    neng, baka naman sa traffic enforcers ka nanghingi. may proper procedure na sinusunod jan hindi basta-basta magsasabi ka ng gusto mo ng copy. nagbigay ka ba ng written request?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ms_pasaway

    04/23/2012 | 10:06 PM
    Kahit pa totoo yun, aaminin ba naman yung ng PS bank, malamang hindi di ba.. tapos yung pang investigation sila lang nag-conduct..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • endot

    04/23/2012 | 09:53 PM
    ay ano nga pala ang nagyari sa reklamo nya kay cristy! sabi nya di nya palalampasin si cristy eh ala naman ginawa din! saka sabi nya na kahit mamundok asawa nya ay ok lang kasi sa kanila naman ang bundok! ibenta nyo na lang kaya day para makabayad kayo sa attorney nyo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • endot

    04/23/2012 | 09:51 PM
    ikaw na din nagsabi na nag iilusyon ka lang! karma iyan! di ka pa din sisikat! pero infairness ha minana mo ang pagiging scriptwrietr na sablay ng ina mo! gandang ganda pa naman ako sa bahay na pinapakita ni nadia iyun pala hindi sa kanya! my goodness!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About