“Basta have fun lang. [Like] what they say, you only live once, live life to the fullest," was Cristine Reyes's reply when asked about the libel and grave coercion complaints filed against her by half-sister Ara Mina.

Photo: Noel Orsal

Hindi pa rin direktang nagbibigay ng pahayag si Cristine Reyes kaugnay ng mga reklamong libel at grave coercion na isinampa laban sa kanya ng kapatid niyang si Ara Mina.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng ABS-CBN News reporter na si Ginger Conejero kay Cristine, na ipinalabas sa TV Patrol 25 ngayong gabi, April 23, iwas pa ring magbigay ng pahayag si Cristine.

“Basta have fun lang. [Like] what they say, you only live once, live life to the fullest," sabi niya.

Kasalukuyang nasa Boracay ang Kapamilya actress, kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Ayon pa kay Cristine, biglaan lamang ang bakasyon nilang ito

RAYVER CRUZ. Samantala, nilinaw ni Cristine ang isyung may problema diumano ang relasyon nila ngayon ng kasintahang si Rayver Cruz.

Tinawanan lang niya ang isyung ito at ayon pa sa kanya, “Super okay kami ni Ray.

"Andaming nagtatanong kasi wala siya dito. E, kasi, trip namin 'to ng friends ko.”

Miss na na nga raw niya si Rayver na kasalukuyang nasa States para sa Star Magic Tour.

Nasasabik na raw siyang makita ng young actor dahil may mga regalo ito sa kanya.

Ani Cristine, “Mga belts at saka yung mga food, yung mga trail mix... yung mga ganun-ganun.”

BOX-OFFICE QUEEN. Sa kabilang banda, masayang-masaya naman si Cristine sa nalalapit na paggawad sa kanila ni Anne Curtis bilang Box-Office Queens ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc.

Ito ay dahil sa malaking tagumpay ng pelikula nilang No Other Woman noong isang taon.

Pagmamalaki ni Cristine, “So far, yun yung biggest achievement ko this year. So, I’m very, very thankful kay God.”