Before Star Cinema announced that they’re replacing Derek Ramsay in one of its movies, the former Kapamilya actor says, “In my mindset, nandoon pa rin ako sa focus ng character ko. Hindi ko bibitawan ‘yon until they say na hindi na matutuloy.” The actor recently inked a three-year exclusive contract with TV5.

Photo: Noel Orsal

Hindi na kasama si Derek Ramsay sa cast ng isang pelikulang gagawin ng Star Cinema, ang movie outfit ng ABS-CBN.

Makakatambal sana ni Derek si Bea Alonzo sa pelikulang ito na ididirek ng award-winning director na si Olivia Lamasan.

Subalit nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star Ad Prom director na si Roxy Liquigan tungkol sa proyektong ito, sinabi niya na mapapalitan na si Derek sa pelikula.

Matatandaan na kamakailan ay nagpasya si Derek na lumipat sa TV5, kung saan pumirma siya ng three-year exclusive contract.

Bagamat may kontrata si Derek sa TV5, hindi naman daw siya pinagbabawalan ng bago niyang home network na gumawa ng pelikula sa ibang movie producers.

Kaya naman noong makanayam siya ng PEP sa Boracay kamakailan, umaasa pa rin ang aktor na matutuloy ang pelikula nila ni Bea.

Aniya, “I’ve fallen in love with the story, I’m working with a great director, and great leading lady. So sana, sana matuloy.”

Pero aminado ang TV host-actor na wala siyang magagawa kung anuman ang maging desisyon ng Star Cinema.

Kung sakaling matuloy pa rin daw ang pagiging bahagi niya sa pelikula, ani Derek, “I will give 200 percent in anything that I do.

“It’s a responsibility given to me, I started it then I’ll finish it.

“When they feel that it’s better for them to replace me then, I respect that.”

Sa ngayon, hindi pa alam kung sino ang papalit sa role na gagampanan sana ni Derek. Pag-uusapan pa raw ngayong linggo kung sino ang aktor na papalit sa kanya.