news

Star Cinema replaces Derek Ramsay as Bea Alonzo’s partner in an upcoming movie

by Nerisa Almo posted on April 23, 2012  STATS: 23706 Views | 78 Comments

Before Star Cinema announced that they’re replacing Derek Ramsay in one of its movies, the former Kapamilya actor says, “In my mindset, nandoon pa rin ako sa focus ng character ko. Hindi ko bibitawan ‘yon until they say na hindi na matutuloy.” The actor recently inked a three-year exclusive contract with TV5.

Photo By: Noel Orsal

Hindi na kasama si Derek Ramsay sa cast ng isang pelikulang gagawin ng Star Cinema, ang movie outfit ng ABS-CBN.

Makakatambal sana ni Derek si Bea Alonzo sa pelikulang ito na ididirek ng award-winning director na si Olivia Lamasan.

Subalit nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star Ad Prom director na si Roxy Liquigan tungkol sa proyektong ito, sinabi niya na mapapalitan na si Derek sa pelikula.

Matatandaan na kamakailan ay nagpasya si Derek na lumipat sa TV5, kung saan pumirma siya ng three-year exclusive contract.

Bagamat may kontrata si Derek sa TV5, hindi naman daw siya pinagbabawalan ng bago niyang home network na gumawa ng pelikula sa ibang movie producers.

Kaya naman noong makanayam siya ng PEP sa Boracay kamakailan, umaasa pa rin ang aktor na matutuloy ang pelikula nila ni Bea.

Aniya, “I’ve fallen in love with the story, I’m working with a great director, and great leading lady. So sana, sana matuloy.”

Pero aminado ang TV host-actor na wala siyang magagawa kung anuman ang maging desisyon ng Star Cinema.

Kung sakaling matuloy pa rin daw ang pagiging bahagi niya sa pelikula, ani Derek, “I will give 200 percent in anything that I do.

“It’s a responsibility given to me, I started it then I’ll finish it.

“When they feel that it’s better for them to replace me then, I respect that.”

Sa ngayon, hindi pa alam kung sino ang papalit sa role na gagampanan sana ni Derek. Pag-uusapan pa raw ngayong linggo kung sino ang aktor na papalit sa kanya.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

78 Comments

  • 18  diane84

    04/23/2012 | 11:47 PM
    si MARIAN talga or fan nya yang number 7 na AMAYA BAI Kasi PSYCHOLOGY ang mgatwiran! haha.. POOR kapuso brains!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  diane84

    04/23/2012 | 11:43 PM
    akala kasi ni derek at viva mkka isa sila sa STAR CINEMA!.. siguro sabi nila, lipat na tyo kasi duon man din movie ntin sa ABS kaya prang ganun na rin! hahah poor derek! feeling kasi nya kalevel nya si SHARON, DOLPHY at MARICEL! hahah! eh nag sisimula pa lng sya eh..ang mga nabangit ko, lumipas na aksiktan nila kaya wal na sila choice kunid mag experiment ng career nila! anyways, enjoy ur box office title coz that wud be ur last!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  diane84

    04/23/2012 | 11:36 PM
    YEHEYYYYYYY! akala mo at ng VIVA, makaka isa kyo noh?Patawa much! thanks ABS for listening!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  Manamalady

    04/23/2012 | 11:36 PM
    And nowthis guy Derek Ramsey, soon to be has been. Kc nmn sikat na sikat na sa kabilang station kung bakit nasilaw sa kaway ng milyones. Wag magpakaipokrito na sbihin na hindi pera ang dahilan. Cyempre hindi nya aaminin. Sbi nya the shows that is being offered to him are close to his heart. Magpakatotoo sna. Uti lang if you choose money over being famous kc ikaw nmn tlga ang magdedecide. Pero mas maganda cgro kung may money ka na famous ka pa dava? Mark my word, next year one of those ka na lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  Dabyana

    04/23/2012 | 11:33 PM
    Poor derek, I pity you... :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  susanboyle

    04/23/2012 | 11:31 PM
    who ever replaces you? its your loss, his gain.haha wish you luck derek. sana di ka magsisisi sa paglipat mo. nasaan na ngayon si sharon? si edu? si aga? si nora? etc? haay naku wawa ka naman. i still believe, basta movies the best pa rin ang star cinema
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  Manamalady

    04/23/2012 | 11:28 PM
    I have nothing against tv5, kc may mg pinapanood din ako sa mga shows nila d2 sa gulf. but honestly speaking lahat ng artistang lumilipat sa kanila, nawawala ang career. Honestly speaking, wala nmn show ang tv5 ang pumapalo sa rating eh. Lahat ng tv shows nila eh talo sa rating, i don't know kung pinapsok din cla ng commercial. May mga teleserye cla na tlgang matitino at maganda tlga ang story like babaing hampaslupa and recently this Valiente na tlgang pinapanood ko. But i don't really know kung anong mali sa kanila at hindi nila nahuhuli ang attention ng mga televiewers. The likes of Sharon Cuneta, Edu Manzano, Aga Mulach, Nora Aunor na masasabing mong lalong naging "has been" ng mapunta sa tv5. Sowi sa mga fans opinion lang po ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  bhellyposh

    04/23/2012 | 11:19 PM
    alangan namang itutuloy nila ang project na kasama si derek.sabi nga ni no 2 kahit sinong network ay gagawin ang ginawa ng Abs.LUmipat sya ng ibang network so it means na kailangan syang palitan.Nagtataka nga ako noon dahil parang itinuloy nila ang movie na kasama si derek kahit lumipat ito ng ibang network pero ngayon na realize siguro ng Star cinema na kailangan syang palitan.Maghintay kana lang derek na gawan ka ng pelikula ng tv5.Pero palagay ko matatagalan pa yon dahil hindi gagawa at di maglalabas ng malaking budget ang tv5 para sa paggawa ng movie dahil alam nila na di kikita ito kung ang mga cast ng movie nila na ay ang mga artista nila kaya pinapayagan silang gumawa ng pelikula sa mga ibang networks.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  alexis2222

    04/23/2012 | 11:12 PM
    sabik na sabik kasi sa amazing race at olympics si derek... ang tanong.. after ng olympics at amazing race... saang kangkungan pupulutin si derek? mwahahahahahahah...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    04/23/2012 | 11:11 PM
    wag mag marunong ang kapusong walang alam... walang guaranteed contract sa movies... hindi kasing lucrative ng TV ngayon ang movies... per picture ang bayad dyan... nagmamarunong kasi ang mga kapuso, eh... sorry derek...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • yukie85

    04/23/2012 | 11:05 PM
    Ang drama mo dong di sana bago ka lumipat sa ibang istasyon tinapos mo muna pelikula niyo ni bea di bongga sana.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • amayabai

    04/23/2012 | 11:03 PM
    may kontrata pa rin si derek sa star cinema di ba? eh di talent pa rin nila yun. if walang movie na maiproduce ng star cinema kay derek, bayad pa rin sya, if the contract says so.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pepster31

    04/23/2012 | 11:01 PM
    naku derek...sana tingnan mo muna ang nangyari ke aga muhlach o edu manzano..tsk tsk tsk
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • amayabai

    04/23/2012 | 11:00 PM
    jericho rosales at john lloyd cruz nalang yata ang mga tunay na lalake na pang leading man ang natira jan sa channel 2. the rest, hmmmmm...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Pedrohh

    04/23/2012 | 10:59 PM
    manigas ka derek sa pagiging LAOS heheh dapat lang palitan xa... pera pera lang kasi derek ayan napala mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    04/23/2012 | 10:58 PM
    tama lang yan... ano sya sinuswerte... bigyan nalang sya ng pelikula ng channel 5 at tingnan natin kung may mag-aksaya manood sa kanya... good move ABS... time for derek and his family's reality check... mwahahahahahahahahh...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • opinion_ko_to

    04/23/2012 | 10:53 PM
    kahit naman sinong network ang nasa lugar ng ABS i think yun din ang gagawin nila....bakit naman nila bibigyan ang hindi na nila talent?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ka_epal

    04/23/2012 | 10:37 PM
    it's just right for him to be replaced. after all, he decided to transfer to tv5. so derek, just wait for a movie that will be produced by tv5 and let's see what will happen.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About