Charlene Gonzalez, a former Miss Universe contestant and now a talk-show host, is not new in beauty pageants and contests. If she were to judge a beauty contest with transgender contestants, would that be minus points? She says, “You know, I look at a person as totality. If the person is beautiful, then why not?”

Photo: Melo Balingit

Mainit pa ring pinag-uusapan ang tungkol sa transgenders na pinapayagan nang sumali sa Miss Universe. 

Kaya’t hindi maiwasang matanong tungkol dito ang ilang Pinay beauty queens, partikular na ang mga kumatawan ng bansa sa international beauty pageants.

       

Isa na rito si Charlene Gonzalez na kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 1994, na ginanap sa ating bansa.

Umabot hanggang six finalists si Charlene, pero ang kinoronahang Miss Universe that year ay si Sushmita Sen ng India.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charlene sa backstage ng The Buzz noong Linggo, April 22, tinanong namin siya kung ano ang kanyang opinyon sa pagpayag ng Miss Universe organizers na pasalihin ang transgenders.

     

“Ang kinagisnan ko talaga tungkol sa mga beauty pageants is… the epitome of being a woman,” umpisa ni Charlene.

      

“So, para sa akin, siguro iyon ang nakasanayan ko—to see women in beauty pageants.

      

“But now, parang time keeps on changing and evolving. 

“So, kung saan talaga magiging generally happy ang lahat, doon ako.”

        

Pero halimbawang maging judge siya sa Miss Universe, maging minus factor kaya sa kanya kung nalaman niyang transgender ang kandidata?  

       

“No, because I’m a very open person. 

“Ayokong manghusga ng tao. I’m not judgmental in that aspect.

       

“You know, I look at a person's totality.

"If the person is beautiful, then why not?” sagot niya.

       

ANOTHER CHILD. Natawa naman si Charlene nang ang sunod na maging tanong sa kanya ay kung totoo bang gusto na niyang sundan ang kambal na anak nila ng asawa niyang si Aga Muhlach—sina Atasha at Andres.

       

“No, no!” pailing niyang sabi.

       

“As of now, palagi kong sinasabi na happy naman kami [ni Aga] sa kambal. So, walang plano.”

       

May magiging problema ba sakaling magdadagdag sila ng anak?

       

“Wala… choice talaga namin iyon noon pa," aniya.

       

RACE IMPROVEMENT. Marami ang nagsasabi na ang mga kagaya nila ni Aga ang talagang dapat nagpaparami ng baby dahil maganda ang lahi nila.

       

“Ay, thank you… thank you!” nangiting reaksiyon ng TV host-actress.

       

“Alam mo kasi, mula noon, before pa, when hindi pa kami nag-aasawa ni Aga, pinag-usapan namin ‘yon na sana, ang anak na gusto namin… sana one boy and one girl.

       

“E, ibinigay sabay!

         

“Kaya the idea na magka-baby ulit, no—not as of now.

       

“Although, I’m not closing my doors. 

“Hindi rin natin alam kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin.”

         

Hindi rin talaga humihirit ng isa pang anak si Aga sa kanya?

          

“No. Gusto namin talaga, one boy and one girl. 

“E, sabay ngang ibinigay!” tawa ulit ni Charlene.

        

Yung kambal nila, hindi rin humihiling na magkaroon sila ng kapatid?

      

“Ayaw nila na may extra baby. Kasi sila raw ang baby sa bahay!  Ha-ha-ha!”

       

PARENTS' FOOTSTEPS. Recently, ang isa sa kambal na anak nila ni Aga na si Atasha ay nakasali sa musical stageplay na The Sound of Music.


Marami ang pumuri sa naging performance ni Atasha rito.

Ano ang masasabi ni Charlene dito?

       

“I’m very very proud of her—of what she has done and accomplished.

       

“And, uhm… malaking tulong din iyon sa kanya, sa kanyang confidence. 

“And yung experience, babaunin niya talaga habang buhay.”

        

Magtuluy-tuloy na kaya sa pag-aartista ang paglabas na ‘yon sa stageplay ni Atasha?

       

“Hindi!” tawa ulit ni Charlene.

       

“Kung ako at si Aga ang tatanungin, sasabihin naming hindi.”

       

Paano kung gustuhin ng kanilang mga anak na mag-artista?

       

“As of now, wala pa naman silang sinasabi. 

“And ang importante lang naman sa amin is tapusin muna nila ang pag-aaral nila.”

         

POLITICAL PLANS. Ano naman ang update tungkol sa nauna nang napabalitang planong pagtakbo ni Aga bilang congressman sa Camarines Sur?

        

“Wala… masaya lang si Aga ngayon.

“At kami, na bumabalik kami sa lugar, kung saan talaga nanggaling ang pamilya nila... yun lang.”

        

So, hindi pa pala sigurado?

        

“No, hindi pa.”

        

Wala pa mang desisyon si Aga kung tatakbo ngang congressman ng CamSur o hindi, may mga nagiging isyu na gaya ng hindi naman daw taga-roon ang aktor.

        

Pero giit ni Charlene, “Taga-roon sila! Kahit mag-investigate ang lahat.

        

“Yung nanay niya, tatay niya, kahit yung iba pang relatives niya, taga-roon sila!”