news

Charlene Gonzalez on transgenders joining Miss Universe: “If the person is beautiful, then why not?” 

by Ruben Marasigan posted on April 24, 2012  STATS: 8491 Views | 71 Comments

Charlene Gonzalez, a former Miss Universe contestant and now a talk-show host, is not new in beauty pageants and contests. If she were to judge a beauty contest with transgender contestants, would that be minus points? She says, “You know, I look at a person as totality. If the person is beautiful, then why not?”

Photo By: Melo Balingit

Mainit pa ring pinag-uusapan ang tungkol sa transgenders na pinapayagan nang sumali sa Miss Universe. 

Kaya’t hindi maiwasang matanong tungkol dito ang ilang Pinay beauty queens, partikular na ang mga kumatawan ng bansa sa international beauty pageants.

       

Isa na rito si Charlene Gonzalez na kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 1994, na ginanap sa ating bansa.

Umabot hanggang six finalists si Charlene, pero ang kinoronahang Miss Universe that year ay si Sushmita Sen ng India.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charlene sa backstage ng The Buzz noong Linggo, April 22, tinanong namin siya kung ano ang kanyang opinyon sa pagpayag ng Miss Universe organizers na pasalihin ang transgenders.

     

“Ang kinagisnan ko talaga tungkol sa mga beauty pageants is… the epitome of being a woman,” umpisa ni Charlene.

      

“So, para sa akin, siguro iyon ang nakasanayan ko—to see women in beauty pageants.

      

“But now, parang time keeps on changing and evolving. 

“So, kung saan talaga magiging generally happy ang lahat, doon ako.”

        

Pero halimbawang maging judge siya sa Miss Universe, maging minus factor kaya sa kanya kung nalaman niyang transgender ang kandidata?  

       

“No, because I’m a very open person. 

“Ayokong manghusga ng tao. I’m not judgmental in that aspect.

       

“You know, I look at a person's totality.

"If the person is beautiful, then why not?” sagot niya.

       

ANOTHER CHILD. Natawa naman si Charlene nang ang sunod na maging tanong sa kanya ay kung totoo bang gusto na niyang sundan ang kambal na anak nila ng asawa niyang si Aga Muhlach—sina Atasha at Andres.

       

“No, no!” pailing niyang sabi.

       

“As of now, palagi kong sinasabi na happy naman kami [ni Aga] sa kambal. So, walang plano.”

       

May magiging problema ba sakaling magdadagdag sila ng anak?

       

“Wala… choice talaga namin iyon noon pa," aniya.

       

RACE IMPROVEMENT. Marami ang nagsasabi na ang mga kagaya nila ni Aga ang talagang dapat nagpaparami ng baby dahil maganda ang lahi nila.

       

“Ay, thank you… thank you!” nangiting reaksiyon ng TV host-actress.

       

“Alam mo kasi, mula noon, before pa, when hindi pa kami nag-aasawa ni Aga, pinag-usapan namin ‘yon na sana, ang anak na gusto namin… sana one boy and one girl.

       

“E, ibinigay sabay!

         

“Kaya the idea na magka-baby ulit, no—not as of now.

       

“Although, I’m not closing my doors. 

“Hindi rin natin alam kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin.”

         

Hindi rin talaga humihirit ng isa pang anak si Aga sa kanya?

          

“No. Gusto namin talaga, one boy and one girl. 

“E, sabay ngang ibinigay!” tawa ulit ni Charlene.

        

Yung kambal nila, hindi rin humihiling na magkaroon sila ng kapatid?

      

“Ayaw nila na may extra baby. Kasi sila raw ang baby sa bahay!  Ha-ha-ha!”

       

PARENTS' FOOTSTEPS. Recently, ang isa sa kambal na anak nila ni Aga na si Atasha ay nakasali sa musical stageplay na The Sound of Music.


Marami ang pumuri sa naging performance ni Atasha rito.

Ano ang masasabi ni Charlene dito?

       

“I’m very very proud of her—of what she has done and accomplished.

       

“And, uhm… malaking tulong din iyon sa kanya, sa kanyang confidence. 

“And yung experience, babaunin niya talaga habang buhay.”

        

Magtuluy-tuloy na kaya sa pag-aartista ang paglabas na ‘yon sa stageplay ni Atasha?

       

“Hindi!” tawa ulit ni Charlene.

       

“Kung ako at si Aga ang tatanungin, sasabihin naming hindi.”

       

Paano kung gustuhin ng kanilang mga anak na mag-artista?

       

“As of now, wala pa naman silang sinasabi. 

“And ang importante lang naman sa amin is tapusin muna nila ang pag-aaral nila.”

         

POLITICAL PLANS. Ano naman ang update tungkol sa nauna nang napabalitang planong pagtakbo ni Aga bilang congressman sa Camarines Sur?

        

“Wala… masaya lang si Aga ngayon.

“At kami, na bumabalik kami sa lugar, kung saan talaga nanggaling ang pamilya nila... yun lang.”

        

So, hindi pa pala sigurado?

        

“No, hindi pa.”

        

Wala pa mang desisyon si Aga kung tatakbo ngang congressman ng CamSur o hindi, may mga nagiging isyu na gaya ng hindi naman daw taga-roon ang aktor.

        

Pero giit ni Charlene, “Taga-roon sila! Kahit mag-investigate ang lahat.

        

“Yung nanay niya, tatay niya, kahit yung iba pang relatives niya, taga-roon sila!”

1  

more on this story

Show/Hide Comments

71 Comments

  • 31  egat

    04/24/2012 | 06:35 PM
    true, only boy abunda makes sense in the buzz.. toni and charlene are just decorations.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  pilyangmaganda

    04/24/2012 | 05:18 PM
    One reason why I dont waste my time watching The Buzz! Non-sense comments from Charlene and Toni Gonzaga. Lame and - stupid questions being asked and answered. Giggle to pretend their in the show but really there not. Annoying pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  winonao1

    04/24/2012 | 05:00 PM
    repost: if my cat looks like a dog can he join a dog show???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  pabima

    04/24/2012 | 04:38 PM
    may naiba ba?eh lahat naman ng mga interviews o kahit siya ang nag-iinterview walang substance.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  gopinoy

    04/24/2012 | 04:35 PM
    i like what boy abunda said na there was a time when black people were sold as slaves and now usa has black american president.. women were not allowed to vote before but are now allowed. times are evolving eh di ba nga ang daming retokadong tunay na babae ngayon? i think if a transgender is accepted and given a new female name then she is considered a woman na di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  walau_we

    04/24/2012 | 04:32 PM
    org shld not include transgenders in this pageant. they shld have their own pageant. its like insulto sa totoong babae that didn't go under knife. so sna mag-build na lng sila ng pageant for their own like. dont have anything against them in fact i like the lot of them. but lets face it, they were born man whatever they change in their body nor name they were still B O R n man. women and man are totally diff with one another not only on their appearance but as well as their feelings.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  bhellyposh

    04/24/2012 | 04:07 PM
    hay naku charlene swabe ang mga sagot mo ha,lol,ibig bang sabihin hindi mo paninindigan ang alam mo na tama. Go with the flow lang ang beauty mo.Tama yung isa dito na kaya nasusupalpal sila ni ruffa ni kris noon dahil kadalasan walang sense ang mga sagot lalo na si rufingfing
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  itnok

    04/24/2012 | 03:42 PM
    korek, kaka-disappoint yung sagot ni charlene. di ba UST alumna ito? ewan ang linaw linaw naman kung bakit hindi dapat mapasali ang mga transgenders sa MS UNIVERSE, pinagugulo lang ng mga iba diyan tapos yung mga tumututol pa ang pinalalabas nilang mali.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  hototguy

    04/24/2012 | 03:37 PM
    meaning wala na syang paki sa labanan para maging miss U, at tatawa sya patalikod dahil labanan na nga naman ng beki at tunay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  Geresh7

    04/24/2012 | 03:30 PM
    Sus Charlene mas naging kombensido akong di ka nga dapat napasali sa TOP 10 ng 1994 Miss Universe, naka home court advantage ka lang. hanggang High Tide at Low Tide ka lang pala. What a disappointment!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  bac_tol

    04/24/2012 | 03:27 PM
    Congrats Charlene! Lamest answer from a beauty queen. Dinaig mo pa sagot ni Ruffa. Mas matalino pa pala syo si Malanie Marquez, kahit kadalasan wrong grammar, right answer naman! Hehe....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  Lieutenantcaine

    04/24/2012 | 03:21 PM
    Bravoooo pang world class ang sagot wehhh hek hek hek
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  ClawClown

    04/24/2012 | 03:12 PM
    At bakit papasok sa politika si Aga? Kasi laos na, di ba? Matapos kunin ang offer ng TV5, may narinig pa ba tayo about Aga? At ano namang alam ni Aga sa pulitika, sige nga? Porke nagwe-wake boarding kayo doon, pwede nang maupo sa pwesto? Makuntento na nga kayo sa kayamanan nyo, sa mga taong may alam at nakapatapos ng pag-aaral na ang pulitika.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  luvpinas4ever

    04/24/2012 | 02:47 PM
    eh kung mainlove kaya ang mga anak nya sa transgender agree kaya sya doon dahil maligaya ang anak nya? mag isip ka nga hindi puro pa demure ka sa The Buzz eh wala namang sense ang mga sinasabi mo.ngayon pa lang eh talagang kailangan mag isip ang mga taga Cam Sur sa pagpayag ng pagkandidato ni Aga doon. for sure mag papakitang tao si Charlene sa pangangampanya na para sa mahirap sya pero you're known sa pagiging sosyalera even before pa.plastic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  kansilay

    04/24/2012 | 02:42 PM
    Ngek! Nkaka dismaya ka neng! No wonder hanggang low tide at high tide ka nga lng! Lolz...kaya kau nasusupla dati ni Ruffa ni Kris Aquino sa The Buzz eh pareho kau wlang sense! Lolz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  lostris

    04/24/2012 | 01:54 PM
    ay, naku, confirmed! kaya ka lagi nababara ni kc nung nasa the buzz pa siya kasi bopols mga sagot mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  ClawClown

    04/24/2012 | 01:34 PM
    At saka Charlene, hindi 'tagaroon' si Aga, ilang taon na kayong nakatira sa Ayala Alabang 'no? Bago ka pa pinakasalan ni Aga, tagaroon na siya. Ang Ayala Alabang ay nasa Muntinlupa, hindi CamSur!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  kapusodbest

    04/24/2012 | 01:34 PM
    sablay ka diyan neng, beuaty queen ka pa naman pagkatapos ganyan ang mga sagot mo, ang labanan sa miss u ay para lang sa mga tunay na eba at hindi para sa mga huwad, meron naman sariling pageant sa kanilang kasarian, kaya for God sake huwag ng isama yung mga transgender sa miss u. i remember then ang tanong pa kay susmita nun, what is the essence of being a woman?, at sana charlene nakapag reflect ka sa sagot ni susmita balikan mo neng baka sakaling magbago pananaw mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  ClawClown

    04/24/2012 | 01:33 PM
    Para po sa pagbabalik tanaw, noong nakapasok si Charlene sa top finalists, ang tanong sa kanilang lahat - habang nasa isang sound proof na 'kulungan' ang ibang finalists - ay parang 'kung pwede kang maging ibang babae, sino ang pipiliin mo or something to that effect. Ang napakatalinong sagot ni Bb. Charlene Gonzales "I will choose to be Superwoman...." habang ang ibang contestants ay pumili ng mga babae sa mundo na mayroong mga significant contributions to women's rights. Kaya dapat pala hindi na ako magtaka kung bakit ganito ang walang kwentang sagot ni Charlene. Hanggang panlabas lang ang maganda, ang utak eh hindi nakaagapay sa taas ng panlabas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  babydrew

    04/24/2012 | 01:31 PM
    really a big disappointment.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About