news

Charlene Gonzalez on transgenders joining Miss Universe: “If the person is beautiful, then why not?” 

by Ruben Marasigan posted on April 24, 2012  STATS: 8489 Views | 71 Comments

Charlene Gonzalez, a former Miss Universe contestant and now a talk-show host, is not new in beauty pageants and contests. If she were to judge a beauty contest with transgender contestants, would that be minus points? She says, “You know, I look at a person as totality. If the person is beautiful, then why not?”

Photo By: Melo Balingit

Mainit pa ring pinag-uusapan ang tungkol sa transgenders na pinapayagan nang sumali sa Miss Universe. 

Kaya’t hindi maiwasang matanong tungkol dito ang ilang Pinay beauty queens, partikular na ang mga kumatawan ng bansa sa international beauty pageants.

       

Isa na rito si Charlene Gonzalez na kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 1994, na ginanap sa ating bansa.

Umabot hanggang six finalists si Charlene, pero ang kinoronahang Miss Universe that year ay si Sushmita Sen ng India.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charlene sa backstage ng The Buzz noong Linggo, April 22, tinanong namin siya kung ano ang kanyang opinyon sa pagpayag ng Miss Universe organizers na pasalihin ang transgenders.

     

“Ang kinagisnan ko talaga tungkol sa mga beauty pageants is… the epitome of being a woman,” umpisa ni Charlene.

      

“So, para sa akin, siguro iyon ang nakasanayan ko—to see women in beauty pageants.

      

“But now, parang time keeps on changing and evolving. 

“So, kung saan talaga magiging generally happy ang lahat, doon ako.”

        

Pero halimbawang maging judge siya sa Miss Universe, maging minus factor kaya sa kanya kung nalaman niyang transgender ang kandidata?  

       

“No, because I’m a very open person. 

“Ayokong manghusga ng tao. I’m not judgmental in that aspect.

       

“You know, I look at a person's totality.

"If the person is beautiful, then why not?” sagot niya.

       

ANOTHER CHILD. Natawa naman si Charlene nang ang sunod na maging tanong sa kanya ay kung totoo bang gusto na niyang sundan ang kambal na anak nila ng asawa niyang si Aga Muhlach—sina Atasha at Andres.

       

“No, no!” pailing niyang sabi.

       

“As of now, palagi kong sinasabi na happy naman kami [ni Aga] sa kambal. So, walang plano.”

       

May magiging problema ba sakaling magdadagdag sila ng anak?

       

“Wala… choice talaga namin iyon noon pa," aniya.

       

RACE IMPROVEMENT. Marami ang nagsasabi na ang mga kagaya nila ni Aga ang talagang dapat nagpaparami ng baby dahil maganda ang lahi nila.

       

“Ay, thank you… thank you!” nangiting reaksiyon ng TV host-actress.

       

“Alam mo kasi, mula noon, before pa, when hindi pa kami nag-aasawa ni Aga, pinag-usapan namin ‘yon na sana, ang anak na gusto namin… sana one boy and one girl.

       

“E, ibinigay sabay!

         

“Kaya the idea na magka-baby ulit, no—not as of now.

       

“Although, I’m not closing my doors. 

“Hindi rin natin alam kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin.”

         

Hindi rin talaga humihirit ng isa pang anak si Aga sa kanya?

          

“No. Gusto namin talaga, one boy and one girl. 

“E, sabay ngang ibinigay!” tawa ulit ni Charlene.

        

Yung kambal nila, hindi rin humihiling na magkaroon sila ng kapatid?

      

“Ayaw nila na may extra baby. Kasi sila raw ang baby sa bahay!  Ha-ha-ha!”

       

PARENTS' FOOTSTEPS. Recently, ang isa sa kambal na anak nila ni Aga na si Atasha ay nakasali sa musical stageplay na The Sound of Music.


Marami ang pumuri sa naging performance ni Atasha rito.

Ano ang masasabi ni Charlene dito?

       

“I’m very very proud of her—of what she has done and accomplished.

       

“And, uhm… malaking tulong din iyon sa kanya, sa kanyang confidence. 

“And yung experience, babaunin niya talaga habang buhay.”

        

Magtuluy-tuloy na kaya sa pag-aartista ang paglabas na ‘yon sa stageplay ni Atasha?

       

“Hindi!” tawa ulit ni Charlene.

       

“Kung ako at si Aga ang tatanungin, sasabihin naming hindi.”

       

Paano kung gustuhin ng kanilang mga anak na mag-artista?

       

“As of now, wala pa naman silang sinasabi. 

“And ang importante lang naman sa amin is tapusin muna nila ang pag-aaral nila.”

         

POLITICAL PLANS. Ano naman ang update tungkol sa nauna nang napabalitang planong pagtakbo ni Aga bilang congressman sa Camarines Sur?

        

“Wala… masaya lang si Aga ngayon.

“At kami, na bumabalik kami sa lugar, kung saan talaga nanggaling ang pamilya nila... yun lang.”

        

So, hindi pa pala sigurado?

        

“No, hindi pa.”

        

Wala pa mang desisyon si Aga kung tatakbo ngang congressman ng CamSur o hindi, may mga nagiging isyu na gaya ng hindi naman daw taga-roon ang aktor.

        

Pero giit ni Charlene, “Taga-roon sila! Kahit mag-investigate ang lahat.

        

“Yung nanay niya, tatay niya, kahit yung iba pang relatives niya, taga-roon sila!”

1  

more on this story

Show/Hide Comments

71 Comments

  • 71  MrHuboSaCancungan1

    04/27/2012 | 03:11 PM
    NO LOGIC, NO PRINCIPLE. Sana may magsabi kay Charlene Gonzales na maari kang hindi sumang-ayon pero naroon pa rin ang respeto. Matangkad at maganda pero walang substance. Sang-ayon ako sa isang pepster na si Melanie Marquez kahit mali-mali ang English grammar ay may angking talino at paninindigan. Kung nakasabayan niya si Shamcey Supsup sa pageant, hindi nakapwesto si Charlene dahil may substance si Ms. Supsup, bukod sa orihinal ang lahat ng parte ng mukha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  shidax

    04/26/2012 | 09:48 PM
    sana naman respetuhin ng mga transgender ang karapatan ng mga kababaihan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  krizza2010

    04/26/2012 | 04:51 AM
    dapat may sariling contest ung mga transgenders, pagalingan ng surgeon na nag-opera sa kanila...lol...honestly, i don't have anything against transgenders per se pero in this case, dapat ma-uphold ng ms U ung "essence of being a woman".
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  milomilo123

    04/26/2012 | 02:22 AM
    akala ko ba nagaral ito sa harvard, baka sa harvard-dyan....dapat sa amerika nalang ito manirahan hindi naman nagamit ang pagka harvardyan nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  macs5609

    04/26/2012 | 01:00 AM
    Nothing against anyone or any gender, kaya lang sana ilagay lang sa lugar ang dapat, kaya nga ang daming Calamities na dito sa mundo dahil masyado nang weird ang mga tao! Wala nang respeto sa Diyos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  showbizdak

    04/25/2012 | 11:44 PM
    because her buzz co-host boy abunda is in favor of transgenders joining ms. u kaya dun na rin si charlene. siyempre pinorotektahan ang kabuhayan showcase. showbiz nga lang ang dating.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  fecatada

    04/25/2012 | 10:24 PM
    what's the difference na kasi ngayon wala na masyadong natural beauty puro retoke na ngayon kaya di mo alam kung sinong natural beauty kaya yon dumating sa point na pati beki sumali na rin sa pageant. sa bagay kahit beki sila may pangarap din naman sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  fecatada

    04/25/2012 | 10:22 PM
    nuetral lang siya i mean she respects gays and not gays, that's more like liberal opinion. In America raw kasi never kang magbanggit laban sa mga bakla kasi lalaban sila talaga magprotesta marami sila eh sa atin lang kasi ang hindi masyadong tanggap sila sa america they have more freedom sa society tumatakbo pa nga sila sa politics eh respected sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  rhiamags

    04/25/2012 | 09:36 PM
    kung saan daw magiging generally happy ang lahat dun siya? tsk tsk. maling logic. that's her opinion and will respect that. kala ko pa naman smart and witty siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  pinoycali_ako

    04/25/2012 | 08:56 PM
    Shut up Charlene. Napakaplastik mo talaga ever since. Tanggalin na kasi yang Boy Abunda na yan sa TV kasi BAD influence!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  Space_Ace

    04/25/2012 | 08:26 PM
    beauty lang pala at kahit dati kang lalaki ay pwede na para sa kanya. tsk tsk tsk, kawawang babae ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  lotwina

    04/25/2012 | 06:06 PM
    charlene tama ka dyan. Tama kayo ni boy abunda. Mga babae rin naman ang mga yan, nagkataon lang na may lawit, pero pag tinanggal na pwede na, parang babaeng baog na rin sya. naku masyado kayong seryoso, pagandahan lang naman yan, entertainment lang. Yung iba talaga insecure sa beauty ni ms. Canada, palibhasa mas maganda pa yun kesa sa ipinanganak na may hiwa na. bwahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  calisa20

    04/25/2012 | 01:52 PM
    Nagpapabango lang si Trump kasi balak kumandidato sa pagka presidente. Akala ko ba ay bawal sa Miss U ang retokado. Talaga ngang gaganda ang transgender Charlene dahil thank you Doc sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  flow246

    04/25/2012 | 12:16 PM
    "If the person is beautiful, then why not?” It only shows two things,..either you don't understand the question or you speak without thinking of what it is..??????????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  flow246

    04/25/2012 | 12:06 PM
    "If the person is beautiful, then why not?” , a very safe answer, no doubts, no arguments but no sense as she doesn't think of what really the essence of being beautiful. No offense with the transgender, but their beauty is a product of an expert. Though Charlene is the product of this change, but no doubt she is 85 naturally beautiful woman. This issue needs an answer that goes with an arguments of deep facts and understanding. Let us open our mind and accepts the reality that transgender looks like a woman, feel exactly like a woman, but they will never be a woman. In my humble opinion, Trump should give them a recognition through a pageant specifically for them. Don't confused these special people with He and She gender. They are unique.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  calisa20

    04/25/2012 | 10:44 AM
    plastik ang sagot ni charlene
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  Prd2bpnay8

    04/25/2012 | 07:48 AM
    She sounds like she wants people to like her kaya she is trying hard to be politically correct pero it doesn't come across as smart and something that she really believes in and stand for. Hello, friend sila ni Boy Abunda di ba? Paano kung magpatanggal ng lawit si Boy? Better be in a safe place than to lose your hosting job, right Charlene? I watched her during the Q and A portion of the Miss Universe pageant, hay naku ang babaw ng sagot at walang impact.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  fujiko77

    04/25/2012 | 06:29 AM
    so Charlene, basta ipa chop na lang ng mga beki ang kanilang lawit just to make it sa Miss Universe kasi maganda naman sila.. kaya go na?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  fujiko77

    04/25/2012 | 06:28 AM
    hahaha, dati pinagtatanggol ko pa si Charlene sa sagot nya High tide or low tide, ngayon na gets ko na... kung may beauty ka, why not? yun lang yon?? hahahah!!! I don't think you even deserve sa 6th place nung 1994 Miss Universe pageant Charlene, pasalamat ka at dito ginanap sa Pinas ang pageant kung hindi, hindi mo na masasagot ng tanong ang itinanong sa iyo ng host "how many islands are there in the Phils?" lahat ng nakalaban mo nun sa top 6 ay beauty and brains, kaya ligwak ka agad! pa-conswelo na lang na naka pasok ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  omaylab68

    04/25/2012 | 03:59 AM
    i respect Charlene's opinion but i totally disagree. transgender people are fun to be with...but let's be real here, they have their own league.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About