news

Lovi Poe hopes to work again with Nora Aunor after Thy Womb; refuses to confirm love scene with Bembol Roco in the movie

by William Reyes posted on April 24, 2012  STATS: 10599 Views | 20 Comments

"Of course! I'm more than willing! Pinapangarap ng lahat ng tao na makasama siya. Nakakakaba lang, kasi sobrang... we all know," says Lovi Poe pertaining to how brilliant an actress Nora Aunor is when asked if she's willing to do a movie again with the Superstar.

Photo By: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Lovi Poe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos niyang bumalik sa Manila mula sa isang linggong pamamalagi sa Bongao, Tawi-Tawi para sa shooting ng Thy Womb.

Kasama si Lovi sa major support cast ng pelikulang pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor sa direksiyon ng Cannes  award-winning filmmaker Brillante Mendoza.

Ginagampanan ni Lovi sa pelikula ang papel ng isang dalagang Badjao; mag-asawa naman sina Nora at ang veteran actor, Bembol Roco.  

Sandaling nagpaunlak ng panayam ang young actress ng primetime GMA-7 drama series na Legacy bago siya tuluyang umalis ng NAIA.

Kinumusta ng PEP ang pakikipagtrabaho niya kay Nora.

"Na-starstruck ako!" nakangiting sambit ni Lovi.  

Pero sa inteview ng PEP, humingi ng paumanhin si Lovi.

"Sorry ha, we had the ano [agreement], e, na hindi pa puwedeng magkuwento [tungkol sa istorya ng pelikula].

"I can't share anything, e. I was told lang, e. Basta wait for it na lang," aniya.

Pagkatapos ng kanilang proyekto, gusto pa ba niyang makatrabaho ulit si Nora?

"Of course! I'm more than willing!

"Pinapangarap ng lahat ng tao na makasama siya.

"Nakakakaba lang, kasi sobrang... we all know [how good an actress she is]," saad pa ni Lovi.

LOVE SCENE. Hinggil sa naging sitwasyon ng shooting, sa malayong isla ng Tawi-Tawi, naging maayos naman daw ang lahat para sa young actress.

"They made me feel comfortable naman. I stayed there for a while lang.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

20 Comments

  • 20  thirstytrooper

    04/26/2012 | 11:38 AM
    ew generation's best actress LOVI POE with the Greatest Actress Of All Time Ms. NORA AUNOR with the international award winning director BRILLANTE MENDOZA! THY WOMB, another masterpiece to watch!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  ooooopppppsssss

    04/26/2012 | 07:50 AM
    mahusay si Lovi Poe hindi katulad ni Marian hindi na nga marunong umarte basura pa storya ng My Beloved kaya walang nanonood.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  lotwina

    04/25/2012 | 06:38 PM
    siguradong hahakot ito ng awards next year. Sana ilaban din ito sa ibat ibang international awards para magwagi uli si nora aunor ng mga best actress at mapagiiwanan nya lalo si vilma, ngayon pa lang milya milya na ang lamang ni nora kay vilma. ahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  purplebaguiocats

    04/25/2012 | 10:22 AM
    Sa mga kapuso actors/actresses, si lovi at rocco nacino ang talagang may ibubuga sa drama, sabihin mang baguhan sila at gumagawa pa lang ng pangalan e may napatunayan na agad. Mas magaling pa sila kesa sa mga datihan na. Goodluck, sana dire direcho ang pagbibigay ng break ng gma sa inyong dalawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  bratinella1234

    04/25/2012 | 09:09 AM
    buti na lang may isang matino pang aktres sa GMA. dapat magworkshop sa kanya si marian rivera para maambunan man lang ng karunungan sa pag arte
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  numerouno1234

    04/25/2012 | 07:40 AM
    for sure, hahakot na naman ng award ang movie na ito hindi lang sa Philippines kundi sa mga international award giving bodies. Who knows, this might be the first local movie na masama sa finalists ng Oscars para sa best foreign language film. Pagsamahin ba naman si Brillante at si Ate Guy, ano pa ang hahanapin mo? kudos and good luck. This will be good news for the Philippines next year.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  humandynamics

    04/25/2012 | 07:23 AM
    sino kaya ang mas naapektuhan sa love scenes nila ni bembol? mahilig din kasi sa matanda ang babaeng ito eh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  blondie

    04/25/2012 | 02:57 AM
    Super galing na aktres
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  blondie

    04/25/2012 | 02:14 AM
    I love Lovi poe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  ike

    04/24/2012 | 05:17 PM
    For sure lalong lilitaw ang galing niya makasama ba naman ang mga magagaling na sina Ate Guy at Bembol...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  yukie85

    04/24/2012 | 04:55 PM
    Chaka girl...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • janser8

    04/24/2012 | 04:38 PM
    g0od actress.. very Versatile..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • babydrew

    04/24/2012 | 04:28 PM
    magaling tlga sya. may lalim ang acting nya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapiso68

    04/24/2012 | 04:23 PM
    Nora and Lovi both morena. Great actresses!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    04/24/2012 | 04:01 PM
    Hindi ako nagkamali!Sa henerasyon ng mga ka edad nya na aktres eh walang makakatalo sa kanya lalong lalo na sa paramihan ng Awards.Ibang klase!!!!Ang galeng mo Lovie!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ka_epal

    04/24/2012 | 03:46 PM
    paki basa na lang sa FP ang blind item niya, at ng malaman ang tunay na amoy ng babaeng ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    04/24/2012 | 03:25 PM
    will definitely watch this movie. nora plus lovi equals great movie!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/24/2012 | 03:23 PM
    ka epal, magsalamin ka nga muna, baka sarili mo lang naaamoy mo't nakikita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ka_epal

    04/24/2012 | 03:05 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    04/24/2012 | 02:20 PM
    SUPERB ACTRESS. Keep it up Lovi. Magaganda ang mga reviews sa akting mo. Sana one day isang araw makatrabaho mo rin si Ms Susan Roces sa isang tv project.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About