news

Gwen Garci on "betrayal" issue with Andrea del Rosario: "Siguro 'wag na kami mag-usap."

by Monching Jaramillo posted on April 24, 2012  STATS: 84567 Views | 16 Comments

Gwen Garci admits breakup with her Italian boyfriend of four years and becoming a single mom to baby Naima.

Photo By: Noel Orsal

Isa ang PEP.ph. (Philippine Entertainment Portal) sa ilang naimbitahan sa mini-presscon para sa dating Viva Hot Babe na si Gwen Garci sa opisina ng Viva Films, Tektite Towers, Ortigas, Pasig City kaninang hapon, April 24.

Hudyat ito ng muling pagbabalik-showbiz ni Gwen na nasa Pilipinas noon pang Abril ng nakaraang taon.

Nang bumalik si Gwen last year ay tumanggap daw siya ng trabaho sa labas ng bansa gaya ng pagmomodelo sa Singapore at naging cover pa raw siya ng isang magazine sa Dubai.

Ilang taon ding nawala ang sexy actress nang mabuntis at nakisama ng apat na taon sa Italyanong boyfriend na si Nicola Coccia.

Nagkaroon sila ng isang baby girl, si Naima, na magdadalawang taong gulang na.

Nagkakilala raw sila dito sa Pilipinas nang nakadestino pa si Nicola sa Shangri-La Hotel, Edsa.

Ayon kay Gwen, labis siyang nalungkot sa kanilang pagtira sa China noong malipat ang kanyang boyfriend sa Shangri-LaHotel, Beijing.

Mula sa magulo at masayang mundo ng showbiz, nanibago si Gwen sa tahimik at bagong papel na ginagampanan sa kinasamang si Nicola at bilang ina ni Naima.           .

“Kaya ako bumalik dito!” tumatawa niyang pahayag.

“Kasi nalungkot ako do’n, e. Sobrang nalungkot ako do’n."

Makulay at maintriga ang showbiz kaya nanibago ang sexy actress sa kanyang bagong mundong inikutan.

“'Tapos do’n, nag-iisa ka na lang. Wala kang kaibigan,” pag-alala pa niya.

Dumadalaw naman daw ang kanyang mommy sa kanya.

“Once a year… o kaya siyempre kahit papa'no malulungkot ka."

SEPARATION FROM HER DAUGHTER'S DAD. Inamin ni Gwen na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak kaya siya bumalik na rin ng Pilipinas, maliban pa sa talagang na-miss niya ang buhay-showbiz.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  BelleGrey

    05/04/2012 | 12:38 AM
    This girl is really pretty to look at. She has a beautiful smile.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  MolybdenumStudios

    05/03/2012 | 08:09 PM
    I'm no fan of Gwen Garci or Andrea, but there are some comments I have to tell about the latter: Ilan na ba ang naka-alitan ni Andrea? Y'know her rift with Maui Taylor, hindi ba? Also, I have the feeling that she's a gold-digger. Bagay nga sa kanya ang kontrabida role simply because of her history with y'know... and unlike her fella Viva Hot Babes, laos na siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  thelastpepbender

    05/02/2012 | 07:41 PM
    pag wala ng project sinasabing LAOS. well ganun naman talaga ang ARTISTA. dumadating talaga ang SHINING MOMENT nila at dumadating din ang pagkawala or pagbawas ng kinang. nagtatalunan na lang yan sa STAYING POWER. MARAMING FRESH na dumadating at may mga nawawala. at merong BUMABALIK. With GWEN she is a STAR that is still GLOWING.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  daredeviltry

    05/02/2012 | 05:55 PM
    sus ang tagal na nyan, me mapagusapan lang talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  bus_stop

    04/26/2012 | 04:44 PM
    eh alagan namang hindi sabihin ni andrea sa kaibigan nyang namumuhunan nakinuha si gwen diba?!tapos bigla na lang lalaki ang tyan nya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  kerigirl

    04/26/2012 | 03:02 PM
    I like Gwen, good luck girl!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  suddenlyyou

    04/25/2012 | 09:52 AM
    Kawawa ang anak nito. Masyadong na-focus ang atensiyon nsa showbiz! Laos ka na teh. In fairness lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    04/25/2012 | 06:54 AM
    baka naman hindi alam ni Andrea na may balak kang itago ang anak mo?! sana mula noong buntis ka pa lang o kaya pagka panganak mo sinabi mo na sa mga kakilala mo na ililihim mo sa mundo ang anak mo para sa perang kikitain mo! juskuday mahiya ka naman, nagalit ka dahil nalaman ng mga tao na may anak ka? im sure your child will be proud of you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chejhie

    04/25/2012 | 04:27 AM
    hindi lang ni Gwen masabi na siguro kaya nagkaron ng congenital abnormalities ang anak ni Andrea is kasi dati YATA eh ina-abort ni andrew kaya naging ganon ung anak nya. also, ang bilis ng karma na bumalik kay andrea, sa anak niya mismo tumama. kawawang bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    04/25/2012 | 01:35 AM
    wag na kayong mag emote wa na kayong sayyyysayyyyl
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rhiamags

    04/25/2012 | 12:50 AM
    at least umiiwas siya sa issue at di masasabing nag-iingay or gumigimik siya...di tulad nung mag-half sisters ba yun? kaloka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thelastpepbender

    04/24/2012 | 08:22 PM
    laki ng ano ni gwen sa heavenly touch. kaso parang di nya boses yung sa heavenly touch? saka bakit extra lang sya dun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thelastpepbender

    04/24/2012 | 08:21 PM
    ako rin i like gwen garci. sa viva hot babes sila ni maui taylor ang gusto ko. dito pa sa bahay yung fhm na sya yung cover, puting shirt at nakapanty sya na black.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    04/24/2012 | 07:47 PM
    nag dilig ako ng halaman kaninang umaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SuPeRdAnY

    04/24/2012 | 06:49 PM
    di ba mayaman ang family nila sa Baguio? naging bf din niya si Justin Cuyugan di ba kasi pareho silang taga Baguio, tama ba?..so paano nagin sa ang family story niya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • based_on_facts_only

    04/24/2012 | 06:36 PM
    oh my gulay, ganda pa rin ni Gwen... Actually sa Viva Hot Babes sya lang talaga ang medyo natutuwa ako, iba yung ganda eh. medyo sad din ang family story nang girl na to, sana maging masaya na sya ngayon na may baby na sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About