Gwen Garci admits breakup with her Italian boyfriend of four years and becoming a single mom to baby Naima.

Photo: Noel Orsal

So, kumusta na sila ni Andrea ngayon?

“A, hindi pa kami nag-uusap,” matipid niyang sagot kahit balitang nagkita na sila sa isang pagtitipon, pero umiwas daw siyang makausap pa si Andrea.

“Siguro 'wag na kami mag-usap,” madiin niyang sambit.

“'Wag muna, o huwag na?” balik-tanong ng PEP.

“Huwag na,” medyo nangiti niyang tugon.

Kapwa na sila mga ina ni Andrea.

Bukas sa tao ang mga pinagdaanan ng kanyang dating kaibigan dahil sa ang anak ni Andrea na si Beatrice Anne ay ipinanganak na may congenital condition, sanhi upang dumaan ang bata sa apat na operasyon.

“Siyempre naman kahit papa’no, kawawa naman yung baby," medyo malungkot na tugon ni Gwen.

“Mahirap magsalita, e. Mahirap na kasi magsalita,” ang paulit-ulit naman niyang sagot sa isyu sa kanila ni Andrea.

“Mahirap magsalita, friend,” pakiusap niya bilang pagtatapos na ng aming panayam.