On his rumored rift with Jed Madela, Christian Bautista maintains his claim that those reports are untrue. When asked where he thinks these rumors are coming from, he says, “I can ask you the same question.”

Photo: GA Granali

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ni Christian Bautista sa lahat ng mga sumuporta sa The Kitchen Musical.

Ang Pan-Asian musical drama series na pinagbidahan ni Christian at ilang Asian artists noong nakaraang taon ay pinarangalan bilang isa sa “World’s Best Work” sa 55th New York Film Festival.

Iginagawad ang parangal na ito sa pinakamahuhusay na programa sa telebisyon sa buong mundo.

Maliban dito, nakatanggap din ng nominasyon para sa Outstanding Production ang programa sa 52nd Monte Carlo TV Festival.

Nominado rin bilang Outstanding Actor at Outstanding Actress ang mga co-stars ni Christian na sina Stephen Rahman-Hughes at Karylle.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa singer-actor noong Sabado, Abril 21, sa Green Freedom Earth Day concert na ginanap sa Nuvali, Laguna, inamin nito na hindi nila inasahan na mapupuna ng international award-giving bodies ang kanilang programa.

“Parang lahat kami [sa production], hindi namin inakala na magiging successful ang Kitchen Musical in its own way, to be recognized in its art form, kasi medyo kakaiba siya, e, so I’m very happy.

"Congratulations sa lahat.”

Ngayong darating na Mayo ay nakatakdang umpisahan ang paggawa sa ikalawang season ng programa.

Wala pa namang balita sa ngayon si Christian kung ano ang magiging plano ng The Group Entertainment, ang kumpanyang nag-produce sa The Kitchen Musical, para sa kanya at sa karakter niya sa show na si Daniel Ray.

RIFT WITH JED MADELA? Samantala, isa sa nakasamang mag-perform ni Christian sa naturang Earth Day concert ang kapwa singer na si Jed Madela.

Matatandaang noong pagpasok ng 2012 ay lumabas ang isyu tungkol sa tampuhan diumano ng dalawa.

(CLICK HERE to read related story.) 

Muli namang nilinaw ni Christian ang isyu: “Okay, there’s no rift, we’re okay, we’re friends and hindi naman namin matatago iyon [pag-aaway].”

Hindi umano mawari ni Christian kung saan nagmumula ang mga isyung tulad nito.