Dingdong Dantes will be busy this year doing films. He just finished The Aswang Chronicles and he is currently shooting the Kimmy Dora sequel. There is also talk that he will do another film with Star Cinema.

Photo: Noel Orsal

Nahinto ang taping ng second unit ng GMA-7 primetime series na My Beloved kahapon, April 23, dahil hindi na kinaya ng lead actor ng serye na si Dingdong Dantes ang sama ng kanyang pakiramdam. 

Ayon kay Dingdong, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono ngayong araw na ito, April 23, matindi ang sipon niya at bumaba rin ang resistensiya niya kaya minabuti niyang ipahinga muna ito.

“Sipon lang naman kaya lang medyo humina rin yung resistensiya dahil na rin siguro sa pagda-diet,” sabi ng Kapuso actor.

Pero habang kausap namin si Dingdong ay okey na raw siya at nakapagpahinga na rin sa bahay. 

Kaya naman papunta naman daw siya sa shooting ng pelikulang Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme, ang sequel ng pelikulang pinagbibidahan ni Eugene Domingo. 

Napag-alaman din ng PEP kay Dingdong na siya lang ang na-pack up sa taping kahapon at hindi ang girlfriend na si Marian Rivera. Ito ang dahilan kaya hindi rin siya personal na naasikaso ng aktres.

“Tuloy-tuloy siya sa taping. Ako lang ang na-pack up. 

“Unfortunately, medyo nagkakausap lang kami sa telepono,” sabi ni Dingdong.

Kung si Dingdong ay nagsu-shooting para sa Kimmy Dora ngayong araw na ito, si Marian naman ay unang araw ng taping niya para sa bagong sitcom sa GMA-7—ang Tweets For My Sweets.

DINGDONG IN MALAYSIA. Sa Huwebes, April 26, nakatakda namang umalis si Dingdong papuntang Malaysia para sa promo ng soap opera nila ni Marian noong 2010 na Endless Love. Kasalukuyan itong ipinapalabas sa Malaysia at naka-dub sa Bahasa.

Masasabing sikat sina Dingdong at Marian ngayon sa Malaysia at marami ang nagkakagusto sa tambalan ng dalawa. 

Bago ang Endless Love, nauna munang ipinalabas doon ang una nilang pinagsamahang serye na Marimar.

Sa Linggo, April 29, pa raw ang balik ni Dingdong sa Pilipinas.

Ano ang pakiramdam na ang daming nagre-request at nag-aabang sa pagdating nila sa Malaysia?

Ayon kay Dingdong, “Ako, proud ako that I represent GMA Kapuso shows in general.