Jay R seems to have learned the techniques of how to win back one's love. While some of these may be called "traditional," Jay-R professes its effectiveness: “Isinulat ko siya ng kanta… Pinadalhan ko siya ng mga flowers. Tinatanong ko kung puwede ba kaming mag-date, go out on a dinner..."

Photo: Noel Orsal

Kararating lang nina R&B singer Jay-R at former Bb. Pilipinas-International Krista Kleiner mula sa U.S. kung saan nag-show sila para sa GMA Pinoy TV. 

First time nilang magsama dito matapos ang napabalitang breakup nila two months ago. 

(CLICK HERE to read related story.)

At ang balita, nagkaayos na raw at nagkabalikan na silang dalawa.

     

“Ano naman ‘to?” sabay tawang reaksiyon ni Jay R nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, April 22.

      

Sweet daw kasi sila sa isa’t isa sa panahong magkasama sila sa Amerika.

      

“Lagi naman kaming sweet, e.

"Ano lang, siyempre… in a relationship, hindi naman lagi masaya. 

“Siyempre minsan may dinadaanan din.

      

“E, you know, may dinadaanan din kami.

"Ngayon, medyo nanliligaw ulit ako!” tawa ulit niya.

       

Paano niya nililigawan ulit ngayon si Krista?

      

“Isinulat ko siya ng kanta… pinadalhan ko siya ng mga flowers. 

“Tinatanong ko kung puwede ba kaming mag-date, go out on a dinner... mga gano’n.

       

“So, gano’n lang.”

       

BACK TO EACH OTHER’S ARMS. Dahil ba sa U.S. trip nila ay may nanumbalik na pagmamahalan?

       

“Yeah, I would say so," pag-amin ni Jay-R.

"Kasi we had no choice but to be together, e, di ba?

       

“Parang ngayon, okey naman. ‘Yon… iyon lang ang masasabi ko!” tawa na naman niya.

       

May pag-asa ba naman to win her back?

        

“Oo naman!” nangiti ang singer-actor.

“Siyempre you fight for what you love, di ba?

       

“Of course, I’m gonna ba fighting—in a good way! Ha-ha-ha!”

       

Iyon ba ang naging problema nila kung bakit sila nag-break na hindi nila idinetalye pa sa media?

      

“Yeah! It’s ano lang… you know, it’s just a regular relationship problem lang. 

“And siyempre iba kapag… you know, when [in] the public eye, di ba? 

“Kaya lahat nagiging mas malaki, gano’n.

        

“So, gano’n ang nangyari do’n. But it’s something fixable naman."

       

Walang naging third party?

      

“No third party… oo,” diin ni Jay-R.