Krista Kleiner on the status of her relationship with Jay-R: "We’re taking things slow. We went through something that we don’t wanna talk about. We wanna keep it private. But whatever it is, we were able to handle it in a friendly way. And, ‘yon nga, we are in the ligaw stage. So let’s just leave it at that na lang."

Photo: Jerome Ascano

Iba ang ngiti ni Krista Kleiner nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa panliligaw ulit sa kanya ni Jay-R. 

A couple of months ago ay napabalitang nag-break sila. Pero kamakailan, sa pagsasama nila sa U.S. para sa  isang show ng GMA Pinoy TV, balitang sweet na naman daw sila sa isa’t isa.

“Well, he invites me to go to lunch… he invites me to go to dinner kasama ang mom ko who is here for a vacation,” ani Krista nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, April 22.

So, may pag-asa ang panunuyong mula sa kanya ni Jay-R? Na maging sila ulit?

“Well, siyempre, we’re still in very good talking terms. 

“We hang out if we can. And we talk to each other almost every day.

“So, oo naman,” sagot ng dating beauty queen.

Sa mga litrato na kuha sa show nila para GMA Pinoy TV sa U.S., na  aka-post sa Internet, kapansin-pansin na sweet pa rin sila. Reaksiyon tuloy ng mga nakakita, parang hindi naman daw sila nag-break.

Paliwanag naman ni Krista, “Well, siyempre nag-show kami doon. 

“So it’s either hindi kami mag-uusap, di ba, tarayan kami do’n, or we just enjoy the trip, di ba?

“So we enjoyed the trip,” ani Krista.

Hindi pa niya talaga sinagot ulit si Jay-R?

Tawa lang ulit ang naging sagot ni Krista sa nasabing tanong.

Pero aniya, may tsansa na mapa-oo siya ng R&B Prince. 

Gaano pa kaya katagal bago maging sila ulit?