news

Former child actress Ella Guevarra gets to visit New York because of Graceland; happy for fellow StarStruck Kids alumna Bea Binene

by Ruel J. Mendoza posted on April 26, 2012  STATS: 29824 Views | 11 Comments

Ella Guevarra on fellow StarStruck Kids graduate Bea Binene: “Kahit po hindi kami naging close ni Bea, kapag nagkikita naman kami ay nagbabatian kami. Never kasi kaming nagkaroon ng chance na magkatrabaho. Kahit na noong mga bata pa kami, magkaiba ang mga shows namin. Maganda po ang build up sa kanya ng GMA-7 at sana ay tuluy-tuloy ang pag-angat niya."

Photo By: File photo

“Overall, Graceland is a solid caper that you should check off as one of your TFF films to see. [It is] a thought-provoking thriller that has earned the title a ‘Filipino gem’ in my book.”

Sobrang tuwa nga ni Ella dahil sa magagandang papuri na natanggap ng Graceland. May mga plano nga na dalhin ito sa ibang film festivals pagkatapos ng TFF.

Ayon sa dating child star, “Masayang-masaya kaming lahat kasi po marami ang nagulat na gawa ng mga Pinoy ang Graceland.

“Hindi nila ini-expect na gano’n tayo kagaling gumawa ng pelikula.

“May plans po na dalhin ang Graceland sa Montreal, Canada. Pati na rin po sa Berlin.

Sana nga po matuloy para makasama po ulit ako at makapag-travel ulit.”

 

TRIP TO NEW YORK. Sinamantala rin ni Ella ang kanyang pagpunta sa Big Apple. Pumasyal siya kasama ang kanyang amang si Dennis Guevara sa mga sikat na lugar sa New York.

Ilan sa mga pinuntahan nila ay ang Times Square, Central Park, Staten Island Cruise, The Statue of Liberty, M&M World, Hershey store, 30 Rockefeller  Plaza, Lego World, NBC Building, Bloomberg Center, Radio City Music Hall, Bloomingdale’s, MoMA (Museum Of Modern Art). Nanood din sila ng Broadway play sa Memphis.

Pagbalik ni Ella sa Manila ay dala-dala niya ang mga magagandang memories ng kanyang first trip abroad.

“Nagpapasalamat ako kay Lord kasi nadinig niya ang prayers ko na one day makapag-abroad ako. Nataon pa na sa New York City pa Niya ako dinala.

“Nagkaroon pa ako ng chance na i-represent ang bansa natin sa pamamagitan ng pelikula naming Graceland.

“Sana po mapansin ang Graceland sa iba pang film festivals sa ibang bansa. Ipinagmamalaki namin ang gawa nating mga Pinoy.”

Baka nga raw bumalik sa U.S. si Ella dahil may mga nakapanood sa kanya sa Graceland na casting agents. May ilang agencies din daw na interesado sa kanya.

“Yun po ang mga nakarating sa amin. Nagpapasalamat naman ako na may nagkainteres sa akin.

“Depende po sa magiging schedule ko rito. Gusto ko rin pong sumubok na magtrabaho doon habang bata pa po ako,” saad niya.

STARSTRUCK KIDS. Si Ella ay naging first runner-up sa reality-based child star search na StarStruck Kids ng Kapuso network noong 2004.

« Prev  1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  cinelamour

    04/27/2012 | 04:04 AM
    wow, dalawa na ang internationally recognized movies niya! sigaw at graceland. very good. magaling mamili ng materyal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  cinelamour

    04/27/2012 | 04:02 AM
    Nag-lie low si Ella sa showbiz nang nag-focus siya sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pagtulong sa Philippine Red Cross -------- kulang ba sa reading comprehension ang mga tao dito? LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cinelamour

    04/27/2012 | 03:58 AM
    wow, tribeca film festival! nakita ko ang trailer nyan. mukhang interesting
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • simple_set

    04/26/2012 | 11:57 PM
    Paborito ko yang batang yan. Magaling talaga siyang umarte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • catinthehat

    04/26/2012 | 03:48 PM
    Sana mabigyan sya ng shot sa Hollywood may chance talaga kasi kaka iba ang beauty Nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rom_05

    04/26/2012 | 02:02 PM
    my favorite star struck kid. Pretty and very talented. Tingin ko kung meron mang deserving bigyan ng magandang project siya na yon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • luvpinas4ever

    04/26/2012 | 01:50 PM
    kapag lumipat ba ng ibang network pinabayaan na? nasaan kaya ang brain ng mga kapamilya kung mag isip. pulutin nyo nga ang utak nyo baka matapakan. eh kung choice ng mga artista ang lumipat ng ibang netwok it's their freewill.ka epal ibig mo bang sabihin si aga,sharon,derek at marami pang abs cbn artists eh lahat 'yon pinabayaan ng ABS?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • real_scores

    04/26/2012 | 11:42 AM
    nakakahiya naman sa EwwBS di pinapabayaan mga talents nila. Asan na sina Sharon, Maricel, etc? Si Angel ba alagang-alaga? lol Di ba't kumakatok si Angel ngayon sa iba't-ibang networks? The nerve nga na nagpaparinig sa GMA na kunin ulit? bwa ha ha ha ha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ka_epal

    04/26/2012 | 11:25 AM
    PINABAYAAN ng GME! what a big big SHAME on you GME!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pumpkin_pie

    04/26/2012 | 11:04 AM
    She's all grown up too : I wanna see Ella, Bea and Sam in a show together :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • paraquepa

    04/26/2012 | 09:55 AM
    Di na sha ganung ka cute di tulad ng bata pa sila ni Bea. Si Bea super cute din dati kesa ngayon pero ma appeal naman tska may talent sa hosting
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About