news

Isabel Oli learns a very important lesson when it comes to hiring a househelp

by Ruel J. Mendoza posted on April 26, 2012  STATS: 22209 Views | 5 Comments

“Natuto na ako ngayon. Hindi na ako basta maaawa. Hihingin ko ang NBI clearance, police clearance, barangay clearance, at lahat pa ng kung anu-anong clearance. At kailangan authentic lahat kasi may napepeke palang mga ganyan. Sa ngayon, hindi muna ako tatanggap. Kami-kami na muna sa bahay ang magtutulungan para iwas sa ganyang problema," says Isabel Oli about hiring a househelp the next time.

Photo By: Jerome Ascano

Pagkatapos pagnakawan ng kanyang kasamabahay si Isabel Oli, natuto na raw ang aktres na huwag masyadong magtiwala sa mga taong hindi pa niya lubos na kilala.

Aminado si Isabel na dahil sa malungkot na kuwento ng kasambahay nila, na pinaghihinalaang nagnakaw sa kanilang bahay, kaya niya ito agad tinanggap at pinagkatiwalaan.

Lorna Baliba ang pangalan ng kasambahay na pinaghihinalaang nagnakaw ng ilang mga kagamitan sa bahay nila Isabel.

“Nature ko na siguro yung maawa ako sa mga malulungkot na kuwento.

“Noong una ngang mag-apply sa akin ‘yan, marami siyang kuwento—naghiwalay sila ng asawa niya, may mga anak siyang pinag-aaral, at hirap siyang makahanap ng trabaho.

“Ako naman kasi, gusto kong tumulong talaga. Kaya tinanggap ko siya.

“Ni hindi ko na nga naisip na ipagtanong siya since nalaman ko na galing pala siya kay Angel Locsin.

“Kumbaga, hindi na ako nag-imbestiga pa kasi nababaitan ako sa kanya.

“I just wanted to give her a job at hindi ko naman nakita sa kanya na pagnanakawan niya ako balang-araw,” sabi ni Isabel tungkol sa kanyang naging kasambahay nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Studio 6 ng GMA Annex Building.

Higit daw sa P100,000 ang halagang naipuslit ng kasambahay ni Isabel mula sa kanilang bahay sa Fairview, Quezon City. Apat na buwan pa lang na nagtatrabaho ang nasabing kasambahay sa kanya.

Napag-alaman din ni Isabel na pinagnakawan din pala ng kasambahay na ito si Angel Locsin noong magtrabaho ito bilang yaya ng aktres.

Kuwento pa ni Isabel, noong nasa Boracay siya para sa taping ng programang Sports Pilipinas ay naiwan ang kanyang kasambahay sa bahay kasama ang kanyang amang maysakit at ang nurse nito.

Kuwento naman ng nurse kay Isabel, nakita raw niyang akyat-baba ang kanilang kasambahay na may dalang trash can. Inakala lang daw ng nurse na naglilinis ito sa mga kuwarto at nagtatapon ng basura.

Patuloy ng aktres, “Huli siyang nakitang lumabas ng nurse ay around 6 p.m. ‘Tapos nawala na siya. Naiwan yung trash can sa labas.

“Pagkauwi namin, doon namin nalaman na marami nang nawala sa bahay.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • superbeki

    04/26/2012 | 02:32 PM
    confirmed na yata .sila na ni papa james yap. lagi ko sya nakikita nanonoo sa araneta with the gf /wives of players.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • frankonoel2000

    04/26/2012 | 12:21 PM
    kalooy ni inday sabel! pagbantay gyud 'day! nagpailad man intawon ka! mura man sad kag di taga Cebu! mura man kag di anad sa usj-r carbon magallens leon kila area! :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • empress_mortal

    04/26/2012 | 12:09 PM
    Yung mga maids for sure ayaw mapabalita ito masisira diskarte nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • empress_mortal

    04/26/2012 | 12:08 PM
    Buti na lang ibinalita ito para makapag ingat yung kapwa artista nya doon sa magnanakaw na maid.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    04/26/2012 | 11:55 AM
    di kailangang ibalita pa ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About