Nilinaw ni Chen Sarte na hindi si Krizza Neri ang dahilan ng hiwalayan nila ni Aiza Seguerra. Aniya, “[The breakup] it’s a mutual decision. We’re both adults and pareho naming desisyon iyon.”

Photo: Noel Orsal

“If what you’re asking me is kung siya iyong dahilan kung bakit kami naghiwalay, hindi po.”

Ito ang paglilinaw ni Chen Sarte sa isyung si Protégé winner Krizza Neri ang dahilan ng hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Aiza Seguerra.

Marso 20 nang iulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol ang pagtatapos ng halos pitong taong relasyon nina Aiza at Chen.

Hindi tinukoy sa balita kung ano ang rason.

Marami lang ang naghinalang may kinalaman dito si Krizza dahil nakipagpalitan ito ng “I love you” kay Aiza sa Twitter.

(CLICK HERE to read related article)

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chen kahapon, Abril 25, sa General Assembly ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit), sinabi nitong “mutual decision” ang kanilang paghihiwalay.

Bagamat tumanggi itong magbigay ng iba pang detalye, nilinaw naman niya na maayos pa rin ang pakitungo nila sa isa’t isa.

Aniya, “You can say that [we’re friends]. I’m not closing any doors.”

Patuloy pa rin naman daw si Chen sa pagtulong kay Aiza sa pag-book ng mga proyekto.

“I’m gonna be representing her for some mga projects, ganyan. But management wise, hindi naman. She’s the boss of herself.

“I still book projects for her but I coordinate with her manager Annabelle Regalado.”

Kumusta naman ang komunikasyon sa pagitan nila ni Aiza?

“Right now hindi masyado because I think she’s busy also.

“And you know I’m busy also with Cathy [Go] because I just launched her, so medyo walang communication at this point.