[x]

Sharon Cuneta on possibility of her Kapatid show sharing the same timeslot with daughter KC Concepcion's Kapamilya program: “You know, whatever it is, huwag sana. Huwag sana anak ko. Kahit pa sino. Kung si Juday [Judy Ann Santos], maiintindihan ko, or kung sinuman. Huwag naman si KC.”

Photo: Monching Jaramillo

Halos lahat ng isyung ikinakabit sa pangalan ng Megastar na si Sharon Cuneta ay napag-usapan sa presscon ng kanyang bagong TV5 talk show na Sharon, Kasama Mo, Kapatid, kahapon, April 25, sa bagong bukas na studio ng Kapatid network sa dating Delta Theater sa Quezon City.

Kapansin-pansin na sa tuwing may lalabas siyang malaking project, saka naman nagsusulputan ang mga malalaking issues tungkol sa kanya.

Ano ang masasabi ni Sharon dito?

“Ewan ko nga, e. Sabi ko nga kay Derek [Ramsay] kahapon, ‘Bakit ganun?" tanong daw niya sa bagong lipat din mula sa Kapamilya network na ngayon ay isa nang Kapatid.

“'Ang dami-daming lumilipat na nakailang istasyon na. 

"Sabi ko, ‘Di ba, nakakagulat? Ako, nung lumipat ako, hindi ko ini-expect yung fallout.

“Bakit yung reaksiyon nila ganun? Kailan naman ako binansagan na balimbing na walang utang na loob? 

"Di ba, ako na nga yung kilalang may values na gano’n?

“’Tapos si Derek na ubod nang tino, isa pa. Yung paglipat dito, ganun din. 

“'Tapos yung iba, ang dami namang nagsilipat, wala namang reaksiyon yung iba, di ba.

"'Hindi kaya dahil tayong dalawa may konting importansiya tayo?’” pahayag daw ng Megastar kay Derek.

Hindi kaya galing din ang mga paratang sa dating network na pinagsilbihan niya ng maraming taon?

Sagot ni Sharon, “Alam mo, ayokong isipin.

"Hindi naman imposible, di ba? Mero’ng ganon. Hindi imposibleng mangyari.”

NETWORK WARS! Nakikita ba niya ang posilidad na tapatan ng ABS-CBN ang show niya?