"You know what? I’m happy to tell you that she’s very, very happy now.
“Very, very, happy. You will see naman, e. You will see," sabi ni Sharon.
Napapansin nga ng marami na iba ang aura ngayon ni KC.
“Iba, oo! And she has forgiven and she has moved on from the Piolo issue.
“My prayer also is mag-move on na rin yung mga sumama din ang loob siguro when they broke up.
“Alam mo, lagi namang ganyan, e. Laging may casualty na kapag may nag-breakup, may mga nagti-take sides.
“Pati ako, nag-move on na rin dahil nag-move on na rin yung anak ko.
“Ano man yung feelings ko noon... Alam mo nasaktan ako dahil minahal ko si PJ [Piolo], e. I really welcomed him with open arms.”
PIOLO PASCUAL. Napatawad na niya si Piolo?
“Na-forgive ko na siya. E, hindi naman ako si KC.
"Si KC nga na-forgive na niya, e, ako pa?
“Ang akin lang, sana man lamang nag-text siya or nagpakita siya.
“Alam n'yo ba since na naging official girlfriend niya si KC hanggang sa nag-break sila, at hanggang sa araw na ito na nag-uusap tayo, never siyang nagpakita sa akin?
“Never, never. Parang hindi kami sanay sa ganun.”
Hindi man lang ba nag-text si Piolo sa kanya?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
2 zabeth58
1 bruha
more comments