This year's Cinemalaya film festival promises to be star-studded as almost all the films in the  two-category entries feature mainstream actors and actresses. Among them are (from left) Coco Martin, Dawn Zulueta, Eddie Garcia, Judy Ann Santos, and Dennis Trillo.

Photo: Noel Orsal

Kasalukuyan nang nagsu-shooting ang iba’t ibang independent production teams na may official entry sa upcoming 8th Cinemalaya Independent Film Festival na nakatakdang ganapin sa July 20-29, 2012.

Ang annual Pinoy indie filmfest ay itatanghal sa mga teatro ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Blvd., Pasay City; sa Greenbelt 3 Cinema sa Makati City; at Trinoma Cinema sa Quezon City, ang bagong dagdag  na sinehan ngayong taon.

Habang papalapit ang “Cinemalaya month” sa July, marami ang curious at excited malaman kung sinu-sino ang mga artistang gaganap sa mga bagong pelikulang kalahok.

Lalo pang umigting ang pananabik ng mga Pinoy film enthusiasts sa Cinemalaya nang manalo si Eugene Domingo bilang People’s Choice for Best Actress sa 6th Asian Film Festival, na ginanap noong March sa Hong Kong, para sa Ang Babae Sa Septic Tank.

Nanalo din sa naturang international film festival si Shamaine Buencamino bilang Best Supporting Actress para sa Niño.


Tinalo nina Eugene at Shamaine ang kanilang mga co-nominees mula sa iba’t ibang Asian countries katulad ng Thailand, Iran, Hong Kong, Malaysia, India, Mainland China, at iba pa.



Ang Babae Sa Septic Tank won best film at Cinemalaya 2011, while Niño won a special jury prize.

MAINSTREAM ACTORS. Pinapalagay ng marami na ang Batch 2012 ng Cinemalaya, sa eight-year history nito, ang may mga pinakamalalaking bituin sa casting dahil pawang mainstream actors ang nasa major cast ng 15 full-length feature films.

Para sa taong ito, malalaking pangalan sa industriya ang nasa lineup ng Cinemalaya sa karamihan ng film entries: Judy Ann Santos, Coco Martin, Dawn Zulueta, Eddie Garcia, Dennis Trillo, Janice de Belen, Iza Calzado, Mylene Dizon, Alessandra de Rossi, Jodi Sta. Maria, Armida Sigiuon-Reyna, Joel Torre, Angel Aquino, Zanjoe Marrudo, JM de Guzman, just to name a few.

Sa isang entry, lead ang sikat na Thai actor na si Ananda Everingham and in the same film ay naka-cast rin ang Japanese actress na si Kiki Sugino.

CINEMALAYA ENTRIES. Hindi rin biro ang proseso ng pagpili ng official finalists sa Cinemalaya. 

Mula sa mahigit 100 promising screenwriters, nagsumite ang bawat isa ng kani-kanilang scripts para sa film grant na P500,000 for each chosen film mula sa Cinemalaya Foundation na pinangungunahan ni Tony Boy Cojuangco.

Ang mapipiling entry mula sa sinumiteng scripts ay kailangang pang hanapan ng co-producers upang punuan ang kabuuang production cost.

CATEGORIES. Dalawa ang kategoryang pinaglalabanan ng mga pelikula. 

Una ay ang “New Breed Category” kunsaan kalahok ang mga baguhang filmmakers na wala pang tatlong pelikula ang naipapalabas sa commercial theaters. 

Ikalawang kategorya naman ay ang “Directors Showcase,” na nasa-ikatlong taon pa lamang.