[x]

“So, nakakatuwa na bilang ako, na wala naman ako ginagawang effort din, na nakikita pala nila yung totoong ako—na ‘to si Marian Rivera. Nakakatuwa na sila mismo nagsasabi kung sino ako," says Marian Rivera about her co-stars.

Photo: Noel Orsal

“Kapatid niya yung buntis, hindi ako!”

Ito ang tili ni Marian Rivera nang paulit-ulit siyang tanungin ng media kung totoong nagdadalang-tao siya.

“Hindi, si Trina. Siya yung kapatid niya, hindi ako,” pagtukoy ng Kapuso Primetime Queen sa nakababatang kapatid ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes na siya raw totoong nagdadalang-tao.

May lumabas kasing report na buntis daw si Marian at may bumabati pa raw kay Dingdong ng “Congrats!” sa Twitter at Facebook.

Pero paglilinaw nga ni Marian, ang kapatid ni Dingdong na si Trina ang buntis at hindi siya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Marian sa presscon ng upcoming dramedy niyang Tweets For My Sweet kaninang tanghali, April 26, sa 17th floor ng GMA Network Center.

PREGNANCY. Pero kung sakaling siya nga ang nabuntis, paano niya iha-handle ang ganitong sitwasyon?

“Paano ko iha-handle? Siguro hindi naman kasi ako…

“Natuto na ako. Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang paninidigan.

“Kapag ginawa ko yun, kapag nangyari yun sa akin, ibu-broadcast ko ‘yan,” saad niya.

Ibig sabihin, gusto niya talagang magkaanak?

“Oo naman!” bulalas niya.

“’Tsaka sino ba namang babae ang hindi gusto magkaanak, di ba? Gusto ko magkaanak.

“Balang-araw, ako ang dancing lola, why not? Di ba?

“So, okay lang ako sa ganung bagay.”