[x]

“So, nakakatuwa na bilang ako, na wala naman ako ginagawang effort din, na nakikita pala nila yung totoong ako—na ‘to si Marian Rivera. Nakakatuwa na sila mismo nagsasabi kung sino ako," says Marian Rivera about her co-stars.

Photo: Noel Orsal

“Masaya lang. Work lang tayo. Positive na lang muna," saad niya.

Pero ano kung saka-sakali ang ireregalo niya kay Katrina sa baby shower nito?

“Uhm, ano ba… kung ano kailangan niya, ibibigay ko, kung ano gusto niya.

“Pero siguro ano, mas bibigyan ko siya ng book kasi may book ngayon na pang-first time magkaroon ng baby.

“Kung pa’no i-handle ang anak. Ano’ng dapat gawin. Ano bang mga bawal. Para aware siya.”

NEGATIVE ISSUES. Sa presscon proper ng Tweets For My Sweet ay mistulang naging “sharing” ng co-stars ni Marian kung gaano kabuti sa kanila ang aktres, malayo sa madalas na nababalita tungkol dito.

Aminado sina Nova Villa at Roderick Paulate na bago nila nakilala si Marian ay mga mga naririnig na silang negatibong ugali raw nito—mataray, suplada, at kung anu-ano pa.

Pero nang nakatrabaho raw nila ang Kapuso actress ay wala silang nakitang ganoon at taliwas sa sinasabi ng iba.

Sa katunayan nga raw ay napaka-sweet at palatawa si Marian.

Kuwento pa nga ni Roderick, noong nasa ABS-CBN pa siya ay nagkita sila minsan ni Marian sa Araneta Coliseum.

Nagulat daw siya nang sa backstage ay lumapit sa kanya si Marian upang bumati sa kanya.

Na-appreciate daw ng veteran actor ang gesture na ito ni Marian na marunong rumespeto sa kanilang mga nauna sa industriya.

Si Sheena Halili naman ay nagsabi kung paano siya pinapayuhan ni Marian pagdating sa tamang pag-i-invest ng kinikita nila.

Kaugnay nito, natutuwa si Marian na sa kabila ng mga negatibong mga isyu sa kanya ay mas marami naman ang magpapatunay kung ano ang tunay niyang pagkatao.

Sabi nga ng aktres, “Love ko ang showbiz, mahal ko ang trabaho ko.