Sa ngayon ay Kristina ang napupusuang pangalan nina Kris Lawrence at Katrina Halili na ibigay sa kanilang magiging anak. Ito ay hango sa pinaghalong pangalan nila na Kris at Katrina.

Photo: Noel Orsal

Masayang nagkuwento si Kris Lawrence tungkol sa kalagayan ng ina ng kanyang magiging anak na si Katrina Halili.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa RnB singer noong Abril 25, sa general assembly ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) sa Annabelle’s restaurant sa Quezon City, sinabi nito na, “[Katrina’s] good. She’s cute.

“She’s four and a half months now, her tummy’s getting bigger, she’s very beautiful. It’s a girl.”

Excited na nga raw si Kris na makita ang kanilang baby kaya naman unti-unti na niyang pinaghahandaan ang pagdating nito.

Sa katunayan ay nakapamili na sila ni Katrina ng ilang gamit ng bata at pinag-iisipan na rin nila ang pangalan na ibibigay nila dito.

“For now, tentative, it’s Kristina.

"But I don’t know, I’m still trying to think of something else,” aniya.

Mas nakatutok umano si Kris sa pag-aalaga kay Katrina sa ngayon.

Aniya, “I never really knew how important a woman’s health is when they’re pregnant until now,” kung kaya’t madalas umano niyang payuhan ang aktres na umiwas muna sa stress tulad na lamang ng isyung iringan nila ng My Beloved co-star na si Marian Rivera.

“I didn’t really want her to stress about it kasi…if it’s stressing to her, I tell her to just leave it alone.”

Samantala, nagpahayag naman si Kris na hindi siya pabor sa plano ni Katrina na mamalagi sa Palawan habang hinihintay ang kanyang panganganak.

(CLICK HERE to read related article)

Ayon kay Kris, “Siyempre po ayoko. I want her to be near.

“Kung puwede nga po sana gusto ko sa States [siya mamalagi] pero she doesn’t want to go there kasi feeling niya, mabo-bored siya do’n.

“And if we’re talking about the citizenship of our baby girl, wala naman pong problema since dual citizen po ako.