news

Part 1. Sheena Halili hurt by negative issues about friend Marian Rivera; wants to try heavy drama

by Erwin Santiago posted on April 26, 2012  STATS: 23599 Views | 25 Comments

Sheena Halili on Marian Rivera: “Kilala ko siya bilang kaibigan, kilala ko siya bilang artista, at kilala ko siya bilang Marian mismo. Totoo talaga siyang tao. Ipapakita niya talaga kung ano ang nararamdaman niya. So, alam mo ‘yon, minsan siguro hindi nila naiintindihan na siyempre bilang artista, importante rin na alam mo kung papaano mo ipagtatanggol ang sarili mo, kung paano mo poprotektahan ang sarili mo, di ba?"

Photo By: Noel Orsal

Pang-limang proyekto na ni Sheena Halili kasama si Marian Rivera ang bagong dramedy series ng GMA-7 na Tweets For My Sweet.

Kuwento ni Sheena sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “First time ko siyang nakatrabaho sa Maynila. Silang dalawa ‘yon ni Dennis [Trillo], ‘tapos kapatid ako ni Dennis do’n.

“Dun pa lang, okay na siya sa akin, e. Naging okay na siya sa akin.

“Nung time na ‘yon, nangyari, yung mga accessories ko, naiwan ko sa Pampanga, sa bahay namin.

“So, wala akong accessories, e, kikay ako do’n sa role ko na ‘yon.  

“So, ang ginawa niya [Marian], pinahiram niya ako ng accessories.

“From that situation, naging palagay na ako sa kanya.”

Pagkatapos ng episode na iyon ay nagkasama silang muli sa mga teleseryeng Marimar at Amaya, at sa pelikulang One True Love.

At ngayon nga ay dito sa Tweets For My Sweet.

Sabi pa ni Sheena tungkol kay Marian: “Para siya talagang… hindi ko siya tinatawag na ate dahil hindi naman nagkakalayo yung edad namin, pero parang ate siya sa akin, e.”

HURT FOR MARIAN. Dahil sa pagiging malapit nila sa isa’t isa, aminado si Sheena na nasasaktan siya kung may naririnig o nababalitaan siyang negatibong isyu tungkol kay Marian.

Ayon kay Sheena, “Nasasaktan ako para kay Marian kasi kilala ko siya, e.

“Kilala ko siya bilang kaibigan, kilala ko siya bilang artista, at kilala ko siya bilang Marian mismo.

“Totoo talaga siyang tao. Ipapakita niya talaga kung ano ang nararamdaman niya.

“So, alam mo ‘yon, minsan siguro hindi nila naiintindihan na siyempre bilang artista, importante rin na alam mo kung papaano mo ipagtatanggol ang sarili mo, kung paano mo poprotektahan ang sarili mo, di ba?

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

25 Comments

  • 25  mighty_thor

    05/07/2012 | 09:53 AM
    Tama si Sheena...madami lang talaga ang inggit kaya pilit sinisiraan si Marian. Sa totoo lang, alam naman ng mga tao na walang perpekto sa mundo, kaya alam nila na magkakamali at magkakamali ang iba. Yun mga ok sa kanila, pinagpapasensyahan. Kung bitter sila at naiinggit, pilit pinapalaki ang issue, para maka panira. Yung mga pilit naninira kay Marian sa mga articles about her, eh mga bitter lang talaga. Kung hindi lang sila mga fans, dapat they won't even bother to check out the article...eh hindi eh...minsan paulit ulit pa nga sila eh...kasi nga, gusto lang manira ng ibang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  SimonLaplace1

    05/01/2012 | 05:46 PM
    Ewan ko ba bakit masyado akong nakaka relate kay Marian...totoong tao din kse ako.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  SimonLaplace1

    05/01/2012 | 05:45 PM
    Malayo mararating ni Sheen, very open and wide and perspective. Natural pag malakas ang personalidad at itabi mo kay Marian at hinde marunong makibagay, mas mainam ng magplastikan na lang. Bottomline naman talaga is "makibagay". Nandyan na yan eh. Take it or leave it! Kung malakas si Yan eh di mag boxing kayo sa tweeter kung di mo sya kayang samplain ng harapan, diba Katrina Halinghing? Or call your Mudra to rescue you from Marian, kse insecure ka sa beauty nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  SimonLaplace1

    05/01/2012 | 05:41 PM
    Sa mga hinde nkakaintindi ng iba't ibang personalities ng tao. This is your chance to realize na merong taong malakas ang personalidad na walang malisyang ipakita ang tunay nilang saloobin. Pero it does not mean na wala silang kinatatakutan at mayabang na sila. Ganon lng ang paraan nila sa pakikipag kapwa tao. Meron ding soft spoken at kalmadong temperament, but it does not mean na mabait silang agad. Ika nga nasa loob ang kulo. Stop judging people. Learn to accept and appreciate the differences. Boring naman kung lahat katulad ni Marian or ni Sheen or ni Kris Aquino. In this world where you can be anyone, BE YOURSELF!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  pearl102

    04/27/2012 | 09:02 AM
    19 sidlucero 04/27/2012 | 08:10 AM Bagay silang magkaibigan..humble si Sheena at ham-bog si Marian..mabait at nice si Shenna at maldita at obnoxious si MR.. Si Sheena mukhang mapagpasensya at hindi lumalaban. Itong isa, bully naman. So ganon! opposite attracts.. ------------------------------As if naman close ka sa dalawa at kilalang kilala mo ang mga buong pagkatao nila. Naging SWAKLING na CHIMAAA ka ba nang dalawang iyan??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  hhamlin

    04/27/2012 | 08:40 AM
    ganyan talaga pag totoong kang kaibigan masasaktan ka kong ang kaibigan mo ay inaapi pero wala kana man magawa. Pero I am sure na a appreciate ni Marian na naging kaibigan ka nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  serena_blair

    04/27/2012 | 08:33 AM
    ang totoo kasi inggit lang mga kapalmilya..maliban sa mga ngetpa karamihan ng artista nila dun, hindi pa napag-uusapan..si marian konting galaw ng kamay pinag-uusapan na at unang pumupuna mga kapalmilya..super patay na patay kay Marian ang mga hayok na kapalmilya, patay na patay sa inggit...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  sidlucero

    04/27/2012 | 08:12 AM
    1 iam_brainful -- as if close sila eh ang baba kaya ng tingin ni MR sa kanya. Kasi feeling ni MR siya ang pinaka. Kaya pag may smart at magandang babae syang kasama, insecure sya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  sidlucero

    04/27/2012 | 08:10 AM
    Bagay silang magkaibigan..humble si Sheena at ham-bog si Marian..mabait at nice si Shenna at maldita at obnoxious si MR.. Si Sheena mukhang mapagpasensya at hindi lumalaban. Itong isa, bully naman. So ganon! opposite attracts..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  gagaka_noh

    04/27/2012 | 03:38 AM
    AFFECTED MUCH KAYO BRYAN KUNK AND BRAINLESS!! hahaha wala lang ahahahaha....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  BBV

    04/27/2012 | 12:52 AM
    Thank's sheena, mabait ka naman na kaibigan ni Ms.Marian Rivera, so Keep it Up...GOOD LUCK TO YOUR new SITCOM!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  pinaysausa

    04/26/2012 | 11:53 PM
    we love this girl!!! she's so sweet charming!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Manster10

    04/26/2012 | 10:53 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  bratinella1234

    04/26/2012 | 10:50 PM
    buhay na buhay ang mga papuri ngayon kay marian, sige gma isalba nyo ang very obvious na papalubog na career ni marian rivera. teleserye na hindi nagrerate, no movies, no endorsement. sawi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  kapamskoo

    04/26/2012 | 10:25 PM
    humahanga talaga ako kay sheena, maganda na, mabit, magaling umarte at mabuting kaibigan. good lak sheena.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kapamskoo

    04/26/2012 | 10:07 PM
    hoi mga maninira daming mga artista na nagmamahal kay marian dahil napakamabait ni marian, generous at mapagmahal. inggit lang kayo sa kanya dahil sobrang blessed ni marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamskoo

    04/26/2012 | 10:03 PM
    noon pa sa marimar days ako na ako sa 'yo galing mong mag comedy galing mo ding mag kontrabida. hanga din ako sa yo totoong kaibigan. hindi ka nagkamali na maging kaibigan si marian. goodluck.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    04/26/2012 | 09:59 PM
    Maganda c marian.. hinahangaan ko talaga siya sa kanyang kagandahan. at gusto ko na hindi siya nagpapaapi. ayoko ng bait baitan,, boring.sa loob ang kulo kahit inaapi na e wala pa ring ginagawa. totoo c marian at siya ang gusto ko maging kamukha. haha!! idol sa ganda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bryan___d_punk

    04/26/2012 | 09:57 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rhiamags

    04/26/2012 | 09:50 PM
    gamitan 101: mention MR, automatic page view
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About