[x]

Sheena Halili on Marian Rivera: “Kilala ko siya bilang kaibigan, kilala ko siya bilang artista, at kilala ko siya bilang Marian mismo. Totoo talaga siyang tao. Ipapakita niya talaga kung ano ang nararamdaman niya. So, alam mo ‘yon, minsan siguro hindi nila naiintindihan na siyempre bilang artista, importante rin na alam mo kung papaano mo ipagtatanggol ang sarili mo, kung paano mo poprotektahan ang sarili mo, di ba?"

Photo: Noel Orsal

Pang-limang proyekto na ni Sheena Halili kasama si Marian Rivera ang bagong dramedy series ng GMA-7 na Tweets For My Sweet.

Kuwento ni Sheena sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “First time ko siyang nakatrabaho sa Maynila. Silang dalawa ‘yon ni Dennis [Trillo], ‘tapos kapatid ako ni Dennis do’n.

“Dun pa lang, okay na siya sa akin, e. Naging okay na siya sa akin.

“Nung time na ‘yon, nangyari, yung mga accessories ko, naiwan ko sa Pampanga, sa bahay namin.

“So, wala akong accessories, e, kikay ako do’n sa role ko na ‘yon.  

“So, ang ginawa niya [Marian], pinahiram niya ako ng accessories.

“From that situation, naging palagay na ako sa kanya.”

Pagkatapos ng episode na iyon ay nagkasama silang muli sa mga teleseryeng Marimar at Amaya, at sa pelikulang One True Love.

At ngayon nga ay dito sa Tweets For My Sweet.

Sabi pa ni Sheena tungkol kay Marian: “Para siya talagang… hindi ko siya tinatawag na ate dahil hindi naman nagkakalayo yung edad namin, pero parang ate siya sa akin, e.”

HURT FOR MARIAN. Dahil sa pagiging malapit nila sa isa’t isa, aminado si Sheena na nasasaktan siya kung may naririnig o nababalitaan siyang negatibong isyu tungkol kay Marian.

Ayon kay Sheena, “Nasasaktan ako para kay Marian kasi kilala ko siya, e.

“Kilala ko siya bilang kaibigan, kilala ko siya bilang artista, at kilala ko siya bilang Marian mismo.

“Totoo talaga siyang tao. Ipapakita niya talaga kung ano ang nararamdaman niya.

“So, alam mo ‘yon, minsan siguro hindi nila naiintindihan na siyempre bilang artista, importante rin na alam mo kung papaano mo ipagtatanggol ang sarili mo, kung paano mo poprotektahan ang sarili mo, di ba?