“Pero ako, sa ngayon, masaya ako kung anong meron ako ngayon. Puwede ako dito, puwede ako dito…
“Tingnan mo dito [Tweets For My Sweet], kahit papaano ka-back-to-back ko si Marian, Tita Nova [Villa], Kuya Roderick [Paulate].
“So, bakit kailangan ko pang maging ganito para masabi na magaling kang artista, di ba?
“So, maganda rin naman yung kahit saan, kahit anong role, kahit anong character.”
Isa pa sa gustong gawin ni Sheena ay ang makaganap sa isang dramatic role.
“Masaya ako sa career ko ngayon. Pero siyempre, meron pa ‘kong gustong ma-achieve.
“Gusto ko rin naman magkaroon pa ng mga challenging role… gusto ko mag-drama naman.
“Never… hindi naman never. Umiiyak naman, sa Amaya drama, di ba? Nagdrama din ako dun.
“Pero yung heavy drama, challenging sa akin.
“Etong Tweets…, challenge din siya sa akin, kasi nga English sinasabi dito.
“So, ibang challeng nga, drama talaga o maldita na maldita talaga.”
Yung walang comedy?
“Oo… puwede namang sinusundan ng comedy, pero gusto ko talaga magseryoso din minsan.”
Pero kung tutuusin, tila nahanap na ni Sheena ang niche niya sa showbiz—ang pagiging komedyana.
“Yun na nga, e, kaya sabi nila sa ‘kin… marami nagsasabi na suwerte ako, ganyan-ganyan.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
5 pwedenarin
4 jeac3
3 krenda
2 candice76
1 iam_brainful
more comments