“Ako din naman, nararamdaman ko naman yun ‘tsaka hindi ko na kailangang ilugar sarili ko dahil mismong yung Artist Center, alam nila kung san nila ako ilalagay.
“At alam nila ang kaya at hindi ko kaya.
“Pero siguro lahat naman tayo, kahit sa personal nating buhay, e, kung anong meron tayo, meron pa rin tayong gustong magawa at ma-achive.
“Siguro sa career ko, ganun din, meron akong gustong magawa, meron akong gustong patunayan. May gusto pa ako ma-achieve.
“May goal pa ako na hindi ko na… alam mo yun, wala pa dito ngayon. Parang hindi lang ako dito.
“Di ba, maganda rin yung mag-try ako ng iba’t iba… parang sa pagkain, maganda yung hindi palaging ganito.”
Madali ba siyang magsawa sa pagkain?
“Ganto kasi… moody ako pagdating sa pagkain.
“Filipino food ngayon, di ba, ‘tapos kunyari favorite ko ngayon, sinigang—sinigang, sinigang… aaraw-arawin ko ‘yan.
“Pero meron akong araw na ayaw ko na siya. So, hahanapin ko na naman siya.
“Ngayon, kinahihiligan ko ngayon, milk tea. Na dati ayaw ko talaga ng milk tea.
“Pero nung isang araw, uminom ako ng milk tea. Sobrang every day hindi ako puwedeng hindi ako iinom ng milk tea.
“Pero alam ko darating din yung araw na ayaw ko na siya,” saad ni Sheena.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
5 pwedenarin
4 jeac3
3 krenda
2 candice76
1 iam_brainful
more comments