Sheena Halili on present status of her relationship with Rocco Nacino: “Pinag-usapan namin na ganito muna kasi mahirap din pumasok sa isang relationship na hindi ka pa ready, e. Marami siyang tagahanga… malaki ang expectation sa kanya ng GMA. Marami pa rin naman ako gustong gawin para sa sarili ko. Siguro maganda unti-untiin namin hanggang sa masabi naming ‘Oo, ready na ‘ko. Oo, ready na tayo,’ yung ganun."

Photo: Noel Orsal

Sa presscon ng Tweets For My Sweet kaninang tanghali, April 26, tila naguluhan si Sheena Halili nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakapunta na ba siya sa Ilocos.

Ang ibig kasi naming tukuyin ay kung nadalaw na niya ang nali-link sa kanya ngayon na si Rocco Nacino sa Ilocos Norte.

Kasalukuyang nagsu-shooting si Rocco doon para sa epic film na Lam-ang.

“Ilocos? Akala ko naman nakapag-show na ba ako ng Ilocos!” natatawang sabi ni Sheena nang makuha ang ibig naming sabihin.

Pero may balak nga ba siyang dalawin si Rocco sa Ilocos?

“Hindi ako sure… ang layo naman, effort-effort!

“Hindi, kailangan mag-concentrate… may trabaho siya do’n, may trabaho ako dito.

“Kaya yun yung kinaklaro namin. ‘Pag may time lang talaga.

“Ayaw naming may maapektuhan ang trabaho namin,” paliwanag ni Sheena.

Ganun pa din ba ang estado ng relasyon nila? Hindi pa opisyal na masasabing sila na?

Ayon kay Sheena, “Pinag-usapan namin na ganito muna kasi mahirap din pumasok sa isang relationship na hindi ka pa ready, e.

“Marami siyang tagahanga… malaki ang expectation sa kanya ng GMA.

“Marami pa rin naman ako gustong gawin para sa sarili ko.

“Siguro maganda unti-untiin namin hanggang sa masabi naming ‘Oo, ready na ‘ko. Oo, ready na tayo,’ yung ganun.

“Okay lang, ine-enjoy lang namin, ‘tsaka may mga bagay na hindi in-expect, e, siguro ‘wag muna natin pangunahan.